Ryan Bang, hindi napigilang maiyak dahil sa pangungulila sa kanyang pamilya

Ryan Bang, hindi napigilang maiyak dahil sa pangungulila sa kanyang pamilya

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Ryan Bang sa isang episode ng It's Showtime

- Ito ay sa kadahilanang sobra niyang na miss ang kanyang pamilya sa South Korea

- Dalawang taon na umanong hindi nakauwi ang TV host at naalala niya ang kanyang pamilya sa isang holiday na kasalukuyang pinagdiriwang doon

- Gayunpaman, masaya umano si Ryan na kahit papaano ay nariyan ang kanyang It's Showtime family

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi napigilan ni Ryan Bang na maluha habang kinikuwento sa kanyang mga Its Showtime co-hosts ang tungkol sa kanyang pag-iyak dahil na miss niya umano ang kanyang pamilya.

Dalawang taon na siyang hindi nakakauwi at sa isang okasyon na tinatawag nila Chuseok holiday o Founding Anniversary ng kanilang bansa.

Ayon pa sa TV host, isa itong pagdiriwang na pampamilya na parang maihahalintulad sa pasko sa Pinas kaya siya nalulungkot.

Caffey Namindang, ibinahagi ang litrato ng babaeng kasa-kasama ni Christian Merck

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ni Vice Ganda, nakita niyang pumunta si Ryan sa kanyang dressing room. Ngunit dahil sa pangambang masita sila dahil bawal iyon, pinaalis niya si Ryan.

Bilang pagsunod sa health protocols maging ang mga TV hosts ng It's Showtime ay baswal magkasama sa isang kwarto.

Matapos umanong umalis si Ryan, nagtext ito sa kanya at ibinahaging nalulungkot siya dahil sa sobrang pagka miss niya sa naiwang pamilya sa Korea.

Gayunpaman, ayon kay Ryan, masaya siya dahil sa kanyang It's Showtime family.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ryan Bang, hindi napigilang maiyak dahil sa pangungulila sa kanyang pamilya

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Si Ryan Bang ay isang Koreanong nanatili sa Pilipinas upang mag-aral. Kinalunan ay nabigyan siya ng pagkakataon na maging bahagi ng showbiz nang mapasali siya sa reality show na Pinoy Big Brother kung saan kasabayan niya si James Reid na naging malapit niya ring kaibigan.

Ivana Alawi napaiyak muli nang magkita sila ng personal ni Raffy Tulfo

Maliban sa regular na pagiging TV host niya sa noontime show na It's Showtime, isa din siya sa pinakamatagal na cast ng comedy show na Banana Split. Kamakailan napasabak siya sa "funishment" ng segment ng It's Showtime na 'Mas Testing.

Sinagot niya rin ang pangmamaliit ng isang netizens sa kanyang YouTube channel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel