Bela Padilla, namataang namamasyal sa Turkey kasama ang isang mystery guy

Bela Padilla, namataang namamasyal sa Turkey kasama ang isang mystery guy

- Kumakalat ngayon sa mga social media platforms ang ilang litrato ni Bela Padilla

- Kuha umano ito habang namamasyal ang aktres kasama ang napapabalitang boyfriend niya

- Ayon sa mga lumabas na ulat, kasalukuyang nasa Turkey ang aktres

- Umani naman ng samu't-sring reaksiyon mula sa netizens dahil may mga kumuwestiyon kung paano siya nakabiyahe sa ibang bansa sa kasalukuyang sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang lumabas na spekulasyon matapos kumalat ang ilang litrato ni Bela Padilla na namamasyal umano sa Turkey kasama ang isang di pinangalanang lalaki.

May mga nagsabing karelasyon umano ito ng aktres.

Makikita sa isang litratong ibinahagi ng Gossip site na Fashion PULIS ang litrato ng aktres kasama ang isang lalaki na sakay ng hot air balloon.

Bela Padilla, namataang namamasyal sa Turkey kasama ang isang mystery guy

Photo from Fashion PULIS
Source: UGC

Marami naman ang naghayag ng kanilang kasiyahan para sa aktres. Matatandaang si Neil Arce ang huling napabalitang karelasyon ni Bela.

Raymart Santiago at Jodi Sta Maria, ibinahagi ang pag-train sa kanilang alaga

Si Neil ay nakatakda nang ikasal kay Angel Locsin. Naging maayos naman ang paghihiwalay nina Bela at Neil kaya nakakapagtrabaho sila nang walang problema.

Bela Padilla, namataang namamasyal sa Turkey kasama ang isang mystery guy

Bela Padilla Bela Padilla (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Ayon na rin sa aktres, nagkahiwalay sila noon ni Nel dahil pinagtuonan niya ng pansin ang kanyang showbiz career.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bela Padilla ay isang aktres. isa sa pinakahuling pelikulang kanyang nagawa ay ang “Miracle in Cell No. 7” na nanguna sa takilya noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019. Bukod sa pagiging aktres, nakilala din siya bilang mahusay na screenwriter.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kagaya ng ilang mga personalidad, naging abala din si Bela sa pagbahagi ng tulong sa mga taong apektado ng pandemya. Ipinagtanggol niya rin ang ABS-CBN mula sa mga kritiko nito habang kinakaharap ng TV network ang suliranin tungkol sa franchise renewal.

Lupit! OFW, naiyak sa harapang pag-amin ni misis na naanakan ni Kap

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel