Architect, emosyonal sa oath taking na ginanap isang araw bago ang kanyang kasal

Architect, emosyonal sa oath taking na ginanap isang araw bago ang kanyang kasal

- Viral ang post ng isang architect tungkol sa nakaka-inspire niyang kwento

- Ninais kasi niyang manumpa bilang isang ganap na architect bago sana siya maging isang ganap na misis

- Subalit dala ng andemya, aminadong nawalan siya ng pag-asa na hindi na ito magaganap

- Ngunit laking gulat niya nang i-anunsyong magkakaroon ng e-oath taking ngayong Setyembre at nataon pang isang araw ito bago siya ikasal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Architect, emosyonal sa oath taking na ginanap isang araw bago ang kanyang kasal

Photo from Pixnio
Source: UGC

Aminadong naiyak ang bagong architect na si Maryleen Co Beltran-Flores nang malamang siya ay makakapanumba sa propesyon isang araw bago siya maikasal.

Nalaman ng KAMI na ipinagdarasal ni Maryleen na makapag-oath taking sana siya bago maging ganap na misis.

Subalit dala ng pandemya, tila nawalan ng pag-asa si Maryleen na magaganap pa ang kanyang hinihiling.

Kaya naman laking gulat niya nang malamang magkakaroon ng E-oath taking.

Magkasintahan sa bilangguan, lalong tumatag ang pagsasama nang parehong makalaya

Mas lalo pa niyang ikinagulat nang malamang gaganapin ito isang araw bago siya ikasal.

Talagang naluha at naging emosyonal si Maryleen at naniwlang tinupad daw ng Diyos ang kanyang kahilingan sa takdang panahon kung kailan ito nararapat sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kaya naman bago siya maging misis ay naging ganap na siyang arkitekto na minsan lamang niyang pinangarap ay ngayo'y naisakatuparan na.

Naibahagi pa niya ang tagal ng panahong binuno niya sa pag-aaral subalit sa isang iglap ay natupad ang lahat ng kanyang pinagsusumikapan.

Marami ang humanga at na-inspire sa kanyang kwento na nagpapatunay lamang na hindi dapat sukuan ang mga pangarap na alam mong iyong pinaghihirapan.

Umabot na sa 14,000 na positibong reaksyon ang post at may mahigit na 4,000 shares na rin ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

Sadyang maraming sitwasyon at pagkakataon ang nasubok dahil sa pandemya.

Subalit pinatunayan ito ng ilan sa atin na kahit ano pa mang suliraning dumating ay makakaya nila itong suungin.

Ang ilan, nagawan ng paraan na maituloy ang kasalan at nagawa pa nilang tumulong sa mga labis na naapektuhan ng pandemya.

Mayroon din namang nagawang isakatuparan ang matagal nang minimithing kasalan matapos na gumaling sa COVID-19 na siyang nagpatibay lalo ng kanilang relasyon.

Ilan lamang ito sa mga pagkakataong masasabi natin na sa kabila ng mga hindi magandang nagyayari sa atin ngayon, may mga ganitong pangyayaring nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa bawat isa sa atin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel