Raymart Santiago at Jodi Sta Maria, ibinahagi ang pag-train sa kanilang alaga

Raymart Santiago at Jodi Sta Maria, ibinahagi ang pag-train sa kanilang alaga

- Ibinahagi nina Raymart Santiago at Jodi Santa Maria ang video ng kanilang ibon na pinangalangan nilang George

- Sa kani-kanilang Instagram account ay makikita kung paano nila sinasanay ang alagang ibon

- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang paglabas ng balita tungkol sa kanilang pagkakamabutihan

- Samntala, tumangging magbigay ng detalye si Raymart kaugnay sa kanilang relasyon dahil hindi naman umano sila kagaya ng mga sikat na love team na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos lumabas ang tungkol sa balitang nagkakamabutihan na sina Raymart Santiago at Jodi Sta Maria, marami ang naintriga tungkol sa kanilang relasyon.

Kaya naman, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng publiko ang mga social media posts ng dalawa na kanilang naipag-uugnay kagaya na lamang ang kanilang alagang ibon na si Goerge.

Parehas nilang ibinahagi sa kanilang social media ang alagang ibon na kanilang sinasanay. Sa isang video na ibinahagi ni Jodi sa kanyang Instagram story, masayang masaya ito na dumapo sa kanyang kamay ang ibon.

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan
Raymart Santiago at Jodi Sta Maria, ibinahagi ang pag-train sa kanilang alaga

Photo from Jodi Sta Maria's IG story
Source: Instagram

Ginamit din nito ang hashtag na “George The Sun Conure” kaparehas sa ginamit ni Raymart sa kanyang post na may caption na “Feeding time with #georgethesunconure.

Matapos lumabas ang balita, ilan sa mga intrigang lumabas ay tungkol sa pagpili umano ni Raymart kay Jodi. Matatandaang napabalita ang relasyon ng aktor sa Ayala executive na si AC Legarda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nilinaw naman ng aktor na mas pinipili niyang huwag na magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kanilang relasyon dahil hindi naman sila sikat na love team na dapat pang pag-usapan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Raymart Santiago ay isang aktor na dating asawa ni Claudine Barretto. Nagkahiwalay sila noong 2013 matapos nilang ikasal noong 2006. Isinilang ni Claudine ang kanilang anak na si Santino noong 2007.

Lupit! OFW, naiyak sa harapang pag-amin ni misis na naanakan ni Kap

Kahit nagkahiwalay ay napabalita pa ring nagkaroon ng mga pagkakataon na nakakapag bonding si Raymart at ang mga anak nila ni Claudine.

Ito ay sa kabila ng paghayag ng sama ng loob ni Sabina laban sa ama nang lumabas ang balita tungkol sa pagkakaroon nito ng bagong karelasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel