Palaban! China Roces, nagpost tungkol sa 'umalis at bagong parating'

Palaban! China Roces, nagpost tungkol sa 'umalis at bagong parating'

- Matapos ngang tuldukan ni China Roces ang mga haka-haka tungkol sa "real score" nila ni Tim Sawyer ay isang panibagong update ang ibinigay nito sa kanyang mga followers

- Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni China ang kanyang pagbabalik sa telebisyon

- Sa nasabing post ay nagpasalamat ito sa Panginoon dahil sa mga biyayang natatanggap at sinabi pa nitong: "may umalis pero mas madaming parating"

- Bukod sa suporta ay nagpahayag naman ng excitement ang mga tagasuporta nito sa vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang exclusive interview sa vlogger na si China Roces ng KAMI, inilahad nito na ayaw na raw siyang balikan ng kanyang dating kinakasama na si Tim Sawyer.

Matapos nga ito ay nagbigay muli ng update si China sa kanyang buhay para sa kanyang mga followers.

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na
Palaban! China Roces, nagpost tungkol sa 'umalis at bagong parating'

Photo from China Roces Facebook page
Source: Facebook

Sa kanyang social media accounts ay ibinahagi nito ang kanyang pagbabalik sa telebisyon.

Isang makahulugang mensahe rin ang kalakip ng post ni China.

"Balik Telebisyon. Thank you lord sa lahat ng blessings na binibigay mo. May umalis pero mas madaming parating. Hindi mo talaga kami pinababayaan ng pamilya ko..Maraming Salamat."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod sa suporta ay nagpahayag naman ng excitement ang mga taga-suporta nito sa vlogger.

"Congrats poh miss @yourbabychina Laban lang poh God bless."

"Go go go!!! Stronger and better."

"You derserve it."

"Go go mommy China Roces para kay baby Timothy. God Bless you more."

"Congrats mami chi, sabi ko naman po saiyo eh kapag may aalis may dadating . Sobrang happy kmi para sayo."

"Congrats ms. china tama ka mas marami pang parating na blessing for you."

Matatandaang naging kontrobersyal ang gulo sa pagitan nina China at Tim matapos ang Facebook Live ng mga ito kung saan napanood ng marami ang kanilang away.

Good vibes! Lalaki, viral dahil sa kanyang agaw-pansing face mask

Humantong pa nga ang dalawa sa programa ni Raffy Tulfo kung saan inakala ng kanilang mga followers na sila ay nagkaayos na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala ang couple na sina Tim at China sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang vlogger-model din ang nadawit sa gulo ng dalawa ngunit mariin itong itinanggi ng dalaga.

Kamakailan lang nang mag-post si Tim ng larawan nila ni China kasama ang anak nilang si Timothy nang magdiwang ng ika-anim na buwan nito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel