OFW na nagpasaklolo kay Raffy Tulfo, pumanaw habang pauwi sa Pinas

OFW na nagpasaklolo kay Raffy Tulfo, pumanaw habang pauwi sa Pinas

- Bago pa man makalapag ang eroplanong sinasakyan ng OFW na si Leonida Morales pauwi ng Pilipinas ay pumanaw na ito

- Si Leonida ay isang OFW sa Saudi Arabia na nagpasaklolo sa programa ni Raffy Tulfo para siya ay makauwi na sa bansa

- Tinamaan kasi ito ng malubhang sakit at kinakailangang operahan

- Labis naman ang pagdadalamhati ng kaanak ni Leonida na abo na nang makauwi sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pauwi na sana ang overseas Filipino worker (OFW) na si Leonida Morales sa Pilipinas nang pumanaw ito habang sakay ng eroplano.

Si Leonida ang OFW na nagpasaklolo kay idol Raffy Tulfo para siya ay makauwi na sa bansa matapos dapuan ng malubhang sakit.

OFW na nagpasaklolo kay Raffy Tulfo, pumanaw habang pauwi sa Pinas

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook page
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ex-BF na naghahabol sa nagastos kay GF, nasermunan ni idol Raffy Tulfo

Batay sa pahayag ng mga kaanak nito, matagal nang nais ni Leonida na makauwi sa bansa dahil sa iniindang sakit.

Sa huling panayam dito ni idol Raffy ay labis-labis itong nagmakaawa para siya ay makauwi na sa bansa.

Kinakailangan din daw kasi siyang operahan ngunit dahil sa mahal ng hinihingi sa kanya sa ospital sa Saudi ay hindi na nito pa nagawang sumailalim sa operasyon.

Agad naman itong inaksyunan ng programa at nakatakda nga sanang umuwi si Leonida noong Huwebes.

Sa kasamaang-palad ay hindi na ito umabot at binawian ng buhay sa eroplano.

Ayon sa kwento ng kapatid nito, hinihintay nila ang tawag ng OWWA nang araw na iyon dahil iyon ang bilin ni Leonida.

Laking-gulat na lamang daw nila nang ibalita ng OWWA na pumanaw na si Leonida.

Nagluluksa ang pamilya sa pagkawala nito at halos hindi makapagsalita.

Inilarawan nila si Leonida bilang isang masipag at hindi makasariling tao. Tinatayang nasa 30 taon itong naging OFW at kailanman ay hindi raw nabigo ang mga ito kapag humihingi ng tulong rito.

OFW, binigyan ng limpak-limpak na salapi ng employer niyang sikat na Australian vlogger

Maging ang reporter ng Raffy Tulfo in Action na siyang may hawak sa kaso ni Leonida ay hindi napigilang maiyak sa nangyari rito.

Nakikiramay po ang KAMI sa lahat ng naulila ni Leonida na isa sa mga itinuturing na bagong bayani ng ating bayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW lumapit kay idol matapos niyang madiskubre ang panlalalaki ng kanyang misis na nagkaroon ng dalawang kabit!

Habang isa namang OFW ang umiyak na lamang nang harapang umamin ang kanyang misis na naanakan ito ng isang kapitan!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel