WinWyn Marquez, sinupalpal ang mga netizens na nang-okray sa kanyang katawan

WinWyn Marquez, sinupalpal ang mga netizens na nang-okray sa kanyang katawan

- Hindi pinalampas ni Winwyn Marquez ang komento ng ilang netizens tungkol sa kanyang katawan

- Ito ay matapos niyang magbahagi ng kanyang litrato sa kanyang Instagram account

- Pinuna ng ilang netizens ang pagkakaroon niya ng muscles dahil hindi umano siya feminine tingnan

- Banat naman ng beauty queen, i-unfollow na lamang siya ng mga ito kung may problema sila sa kanyang katawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Palaban ang naging tugon ni Winwyn Marquez sa ilang netizens na pumuna sa kanyang pangangatawan. Ito ay matapos magbahagi si Winwyn ng isang litrato kung saan makikita ang pagkakaroon niya ng muscles na kanyang pinaghirapan din sa pamamagitan ng pagwo-work out.

Isang netizen ang hindi nakatiis at napakomento na hindi bagay na magkaroon siya ng muscles na nakikita dahil hindi umano ito feminine.

"Your so muscular na. please stop building your muscles. Only European women fits," ani ng isang netizen.

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Imbes na sagutin ang pamumuna nito sa kanyang katawan, tinama ni Winwyn ang paggamit nito ng salitang 'your' imbes na 'you're'.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa pang netizen ang sumang-ayon sa naunang komento.

"You’re right about that, too much becomes like a man not too feminine.!"

"Having it is not wrong but too muscular is no longer feminine to the point you’re like a man already!" komento ng isa pang Instagram user.

Sagot naman ni Winwyn, pwede naman silang mag-unfollow kung may problema sila sa katawan niya at mag-follow na lamang sa mga taong pasok sa kanilang standards.

"Ayan na lumabas na ang word na feminine. We are happy, fit and healthy..I love how I look now. if you have a problem with me looking like a MAN because of my muscles then hit that unfollow button and follow people that fit your standards para bawas problem sa life mo," matapang na buwelta ng beauty queen.
Willie Revillame, ‘di na umaalis ng Wil Tower para sa kanyang programa

Marami naman sa mga followers ni Winwyn ang nagtanggol sa aktres.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

WinWyn Marquez, sinupalpal ang mga netizens na nang-okray sa kanyang katawan

WinWyn Marquez (Photo by J Gerard Seguia/Pacific Press/LightRocket via Getty Images)
Source: Getty Images

Si Winwyn Marquez ay anak nina Joey Marquez at Alma Moreno. Matapos makilala sa kanyang pagsali sa mga local pageants, nabigyan siya ng pagkakataon na kumatawan sa bansa sa Miss Hispanoamericana, isang pageant na kadalasan ay mga Latina ang kasali at nananalo.

Matatandaang sinupalpal din niya ang mga netizens na nagkomento tungkol sa panibagong relasyon ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel