Miss Bohol Pauline C. Amelinckx, dinipensahan si KC Montero

Miss Bohol Pauline C. Amelinckx, dinipensahan si KC Montero

- Dinipensahan ng Miss Universe Philippines Bohol na si Pauline C. Amelinckx si KC Montero

- Ito ay kasunod ng pambabatikos ng ilang netizens sa host kaugnay sa pagiging "bastos, rude, at unprofessional" umano nito

- Nag-ugat ang isyu sa isang bahagi ng Q&A ng MUP 2020 kung saan hindi umano naging maganda ang sagot ni KC nang kamustahin siya ni Miss Bohol

- Paglilinaw ni Miss Bohol, taliwas sa akala ng iba na na-offend siya sa inasta ni KC sa stage, nagbibiro lamang umano si KC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dumipensa si KC Montero sa mga komentong isa siyang "bastos, rude, at unprofessional" matapos ang kanyang pagbibiro sa pambato ng Bohol sa Miss Universe Philippines 2020 na si Pauline C. Amelinckx.

Ayon kay KC, naputol ang nasabing video dahil na rin sa pag-edit kaya iba ang dating niyon sa mga tao. Paglilinaw niya isa si Miss Bohol sa na-enjoy niyang makatrabaho kaya malayo

Sandra Lemonon, tuloy pa rin ang patutsada

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Miss Bohol ay ipinagtanggol ang host laban sa mga negatibong komento ng mga netizens.

"Please let me put this out there. KC is a great and engaging host. We had small talk on stage before the Q&A which helped me take a breath and calm my nerves before answering the Question," paglilinaw niya.

Miss Bohol Pauline C. Amelinckx, dinipensahan si Troy Montero

Pauline C. Amelinckx/Instagram story
Source: Instagram

Kagaya ng paliwanag ni KC, sinabi din nito na putol na ang inilabas na video at kahit ano pa ang naging dating ng sagot ni KC, alam niyang biro lamang umano iyon ni KC.

Miss Bohol Pauline C. Amelinckx, dinipensahan si KC Montero

KC Montero (Photo by Michael Tullberg/Getty Images)
Source: Getty Images

Nakiusap din siyang tigilan na ang pagbibigay ng ibang kulay sa kanilang biruan.

Ang Miss Universe Philippines ay isang beauty pageant competition at organisasyon sa bansa na may layong makapili ng kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe pageant. Ang Miss Universe ay maituturing na isa sa apat na pinakamalalaking international beauty pageants.

Pia Wurtzbach, ikinagulat ang mga kontrobersiya sa Miss Universe Philippines 2020

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang naging mainit na usapin sa social media ang naging pasaring ni Taguig representative Sandra Lemonon kaugnay sa katatapos lang na pageant.

Maging ang 2nd placer na si Michele Gumabao ay hindi napatapos ang panonood sa watch party ng kanilang pageant dahil hindi umano niya kinaya ang pagtatanong sa kanya kaugnay sa naging resulta ng pageant.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel