AngBeKi, masayang pinagdiwang ang kanilang 3rd Anniversary

AngBeKi, masayang pinagdiwang ang kanilang 3rd Anniversary

- Para sa ikatlong taong anibersaryo ng kanilang pagkakaibigan, napagpasyahan nina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu na ibahagi ang kanilang celebration

- Nagbakasyon ang "AngBeKi" sa Subic, Zambales para sa isang "anniversary getaway"

- Bukod sa pagdalo sa isang birthday party, nag-swimming din ang magkakaibigan

- Nagsimula ang pagkakaibigan ng tatlo nang mang-gate-crash noong 2017 sina Bela at Kim sa isang party kung saan naroroon si Angelica

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masaya ang bakasyon ng magkakaibigang Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu na kilala sa tawag na "AngBeKi".

Para sa pagdiriwang ng kanilang ikatalong taon ng pagkakaibigan, nagtungo ang tatlo sa Subic, Zambales kung saan una nilang pinuntahan ay isang party.

Makikitang sa nasabing video na hindi nila personal na kilala ang nagdiwang ng birthday. Gayunpaman, nakipagkulitan sila hanggang sa tila naging bahagi na rin sila ng selebrasyon.

Mommy Pinty at Daddy Bonoy, kumasa sa Jojowain o Totropahin challenge

Sa YouTube video na ibinahagi ni Kim, makikita ang batikang aktres na si Cherry Pie Picache. Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-gate-crash sila sa isang birthday party.

AngBeKi, masayang pinagdiwang ang kanilang 3rd Anniversary

Photo from Angelica Panganiban's Instagram account
Source: Instagram

"Gate-crasher kasi kami ng party... So, why not, hindi mag-gate-crash ulit ng birthday party?" ani Kim.

Sumakay sa speedboat ang tatlo at masayang nag swimming sa isang pool.

.Matatandaang nabuo ang kanilang pagkakaibigan nang mang-gate-crash noong 2017 sina Bela at Kim sa isang party kung saan naroroon si Angelica noong 2017.

"Gatecrasher kami ni Bela. Galing kami sa isang birthday, tapos ayaw pa naming umuwi. Pumunta kami doon sa birthday ni direk Andoy Ranay na nandoon si Angelica. Ang saya-saya. Nagtawanan na lang kami hanggang sa lagi na lang kami lumalabas," pagbabahagi ni Chiu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang muran edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Good vibes! Lalaki, viral dahil sa kanyang agaw-pansing face mask

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Samantala naging prangka ang aktres nang tanungin tungkol sa posibilidad ng paglipat sa ibang TV network ngayong nakasarado ang ABS-CBN. Kasunod ng tuluyang pagkakabasura ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN, nagbahagi ng kanyang prangkang opinyon si Angge lalo na sa mga taong naging dahilan ng pagkakasara ng kanyang home network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel