Lolo na naiiyak sa gutom, napangiti nang mabigyan ng pagkain at ₱20

Lolo na naiiyak sa gutom, napangiti nang mabigyan ng pagkain at ₱20

- Viral ang larawan ng isang matandang lalaki na napangiti nang makatanggap ng pagkain

- Ayon sa uploader, napansin niya ang lolo na may kinakalkal sa dala nitong plastik at tila naluluha marahil ay sa matinding gutom

- Naisipan daw ng uploader na bilhan ng pagkain at bigyan ng kaunting pera ang lolo na labis na nitong ikinasiya

- Naantig ang puso ng nagbigay sa lolo lalo na at ang mangiyak-ngiyak nitong mukha at napalitan na ng matatamis na ngiti

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lolo na naiiyak sa gutom, napangiti nang mabigyan ng pagkain at ₱20

Photo from Jaella Rubia's Facebook
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang larawan ng isang lolo na mapapansing napangiti matapos na makatanggap ng pagkain.

Nalaman ng KAMI na kuha ito sa may Sauyo overpass kung saan nakita ng uploader na tila may kinakalkal sa dalang plastik ang matandang lalaki.

Kwento pa ni Jaella Rubia na nag-upload ng nakakaantig na kwentong ito, halos mangiyak-ngiyak na raw ang matanda dahil marahil sa matinding gutom.

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

Dahil dito, hindi nagdalawang isip si Jaella na bilhan ng makakain at maiinom ang lolo.

Nang i-abot niya ito agad na nagpasalamat ang lolo at makakakain na raw siya.

Aminadong napaluha raw si Jaella dahil ang munting pagtulong niya sa lolo ay nasuklian ng matatamis na ngiti ng pasasalamat.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bukod kasi sa pagkain at inumin, inabutan din niya ng ₱20 ang matanda na ikinasiya pa rin niya at makabibili na raw siya ng bigas.

Mas lalong natunaw ang puso ni Jaella nang malaman ito raw ang ipambibili ng lolo na bigas.

Dito, napagtanto niya na wala sa laki o liit ang tulong na ibinibigay sa kapwa.

Minsan kasi ang maliit na tulong ay napakalaking biyaya na sa mga taong labis na nangangailangan.

Tulad na lamang ng natulungan ni Jaella. Sa labis na kagutuman, malaking bagay na ang tinapay at juice na bigay ng uploader at maging ang maliit na halaga ay mayroon na agad na mabuting patutunguhan dahil sa pangkain pa rin ito ng nagugutom na lolo.

Lolong nanlilimos, nagbayad ng baryang ₱400 para lang makabili ng bagong t-shirt

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong pandemya, sinubok ang bawat isa sa atin sa lahat ng aspeto ng ating pamumuhay.

Labis na nakaramdam ng hagupit nito ang mga kababayan nating senior citizen dahil bukod sa sila ang madali raw umanong mahawahan ng virus, hindi pa sila maaring basta na lamang lumabas lalo na kung para sila ay makapag-hanapbuhay.

Mabuti na lamang at may mga taong tulad ni Jaella na handang tumulong kahit sila rin mismo ay nakararanas ng hirap ng sitwasyon dahil sa krisis na dala ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel