Staff ni Raffy Tulfo, nakiusap sa 'babae' sa kanilang opisina na patuloy na nanggagambala

Staff ni Raffy Tulfo, nakiusap sa 'babae' sa kanilang opisina na patuloy na nanggagambala

- Patuloy pa rin di umano ang 'panggugulo' ng sinasabing 'babae' sa opisina ng 'Raffy Tulfo in Action'

- Matapos na maipasuri sa ilang eksperto ang mga video at mismong opisina ni Tulfo, tila patuloy pa rin daw ang pagkakaroon ng mga di inaasahang pagkakaroon ng problemang teknikal sa programa

- Siniguro naman ng staff ni Tulfo na ang mga koneksyon sa mga taong kanilang kakapanayamin ay maayos bago magsimula ang programa

- Kaya naman hindi maalis sa isip ng mag tauhan ni Tulfo na maaring kagagawan pa rin umano ito ng 'babae' sa kanilang opisina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Staff ni Raffy Tulfo, nakiusap sa 'babae' sa kanilang opisina na patuloy na nanggagambala

Raffy Tulfo (Photo from Raffy Tulfo's Instagram)
Source: Instagram

Madalas muling magkaroon ng mga problemang teknikal kamakailan, ilang araw bago sila magbalik sa TV5.

Nalaman ng KAMI na sa huling araw ng 'Raffy Tulfo in Action' o (RTIA) sa kanilang pansamantalang opisina kung saan sinasabing mayroong 'babaeng' nakita ang mga paranormal experts na sina Ana Liza Dela Cruz at Ed Caluag, madalas muling magkaroon ng panggagambala sa mismong live show ni Tulfo.

College instructor, matiyagang tinawid ang sapa makapaghatid lang ng learning modules

Ayon sa staff ng programa, siniguro naman nilang maayos ang mga koneksyon ng kanilang kakapanayamin bago pa man magsila ang 'Wanted sa Radyo.'

Subalit ang nakapagtataka raw ay ang madalas paring pagkakaroon ng problema lalo na kung ang kakausapin na ni Tulfo ay ang 'inirereklamo.'

Dahil dito, hindi maiwasang maisip ng staff na maaring kagagawan pa rin di umano ito ng babae sa kanilang opisina.

Halos makailang ulit na sinubukang kausapin ni Tulfo ang inirereklamo sa kanyang programa noong Oktubre 1 subalit nagkakaroon daw talaga ng problema sa koneksyon.

Ipinakausap na nga ni Tulfo ang kanyang makulit at nakakatuwang staff na tinatawag nilang si "Kapitana Carol" upang pakiusapan umano ang babae na huwag na munang mangambala sa kanilang programa lalo na at huling araw naman na nila sa pansamantalang opisina.

Sa Lunes kasi, Oktubre 5 ay inaasahang babalik na sila sa TV5.

Narito ang kabuuan ng video:

Kamakailan ay inilabas ng RTIA ang mga natuklasan ng eksperto tungkol sa pinasuring video ng programa kung saan mayroon umanong 'bulong' na sumisingit.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Maging ang mga paranormal experts na sina Ana Liza Dela Cruz at Ed Caluag ay naimbitahan sa opisina ni Tulfo at tila nagkatugma pa di umano ang kanilang nakita na 'babaeng' siya raw gumagambala sa programa.

Si Raffy Tulfo ay kilalang broadcast journalist sa bansa tulad ng kanyang mga kapatid na sina Ramon, Erwin at Ben. Umabot na sa mahigit 15 million ang subscribers niya sa YouTube channel niyang Raffy Tulfo In Action dahil na rin sa mabilisan niyang pag-aksyon sa mga sumbong ng ordinaryong mamamayan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel