Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

Estudyanteng nakatanggap ng mga bato imbis na laptop, nabiyayaan

- Labis na nalungkot ang isang college student nang mga bato ang matanggap imbis na ang laptop na kanyang pinag-ipunan

- Nagkakahalaga ito ng P24,000 na kanyang pinaghandaan para sa kanyang online classes

- Bagaman at maaring cellphone ang gamitin, nagsumikap siyang magkaroon ng sariling laptop na mas makakatulong sa kanyang pag-aaral

- Matapos na mag-viral ang kwento ng estudyante, may isang mabuting indibidwal na nagpadala sa kanya ng brand-new laptop

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

College student na mga bato ang laman ng inorder na laptop, nabigyan na ng bago

Photo from PxHere
Source: UGC

Aminadong nanglumo ang estudyanteng si Arthur Ramos Baylon matapos na makatanggap ng mga bato imbis na ang inorder niyang bagong laptop.

Sa ulat ng Manila Bulletin, September 9 nang ma-order ni Baylon ang laptop sa isang online application.

Nalaman ng KAMI naSetyembre 25 ito nang dumating at laking gulat niya nang makitang ilang piraso ng malalaking bato ang kanyang natanggap.

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Nang mahawakan niya ito, agad na siyang nagduda dahil kakaiba raw ang bigat ng kahon.

Nabayaran na umano niya ito sa seller dahil hindi raw umano ito tumatanggap ng cash-on- delivery ayon sa ulat ng ABS-CBN News.

Kaya naman ganoon na lamang ang lungkot at panghihinayang ni Baylon dahil pinagsumikapan niya talaga ang pagkakaroon ng sarili niyang laptop para sa online classes.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Video mula sa Facebook ni Jennylyn Perez Pulmone, pinsan ng biktima.

Dahil sa marami ang nakaantig sa sinapit ng 20-anyos na college student na ito, isang taong may mabuting puso ang nagpadala sa kanya ng bagong laptop.

Ayon sa GMA News, mismong si Baylon ang nagbukas ng padala sa kanyang laptop at siniguron maayos ang kondisyon nito matapos na siya ay maloko ng seller sa online app.

Magkasintahan sa bilangguan, lalong tumatag ang pagsasama nang parehong makalaya

Sa huling update tungkol sa insidenteng ito, naibalik naman ng seller ang ibinayad ng estudyaente subalit hindi pa rin nila nalalaman kung paano napalitan ng mga bato ang dapat na laptop na binili ni Baylon.

Isa ang online class sa iba't ibang pamamaraan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga estudyante ngayong panuruang taon.

Kaya naman marami ang nagsusumikap na makasabay tulad ni Arthur sa makabagong pamamarang ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit sa inilabas na pahayag ng Department of Education, hindi nila inu-obliga ang mga mag-aaral na magkaroon ng mga gadgets dahil mayroon tayong tinatawag na blended learning kung saan, tuloy-tuloy pa rin ang edukasyon kahit walang internet, cellphone o laptop.

Marami ang naghahanda na sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Lunes, Oktubre 5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel