Residente ng Pasig, pinuri si Mayor Vico Sotto sa nakakatuwang post

Residente ng Pasig, pinuri si Mayor Vico Sotto sa nakakatuwang post

- Viral ang post ng isang residente tungkol sa mga kapuri-puring nagawa ng kanilang alkalde na si Mayor Vico Sotto

- Sa kanyang sariling paraan, binigyang pugay niya ang kanilang alkalde sa mga nagawa nito sa kanilang lungsod

- Halos inisa-isa nito ang mga di matatawarang serbisyo ng kanilang Mayor Vico

- Pinasalamatan pa niya ang kanilang alkalde at sinabing dapat itong pamarisan ng ibang mga public servant na tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Residente ng Pasig, pinuri si Mayor Vico Sotto sa nakakatuwang post

Mayor Vico Sotto (Photo from Vico Sotto's Facebook)
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media ang kakaibang post ng isang residente ng Pasig City na nagbigay pugay sa kanilang alkalde na si Mayor Vico Sotto sa kakaibang paraan.

Nalaman ng KAMI na sa umpisa, aakalain ng makakabasa ng post ni Christian Jose na tila binabatikos nito ang pamumuno ng kanilang Mayor Vico.

Subalit matapos ang umpisang linya niya ng "Dear Mayor Vico Sotto, pakiayos naman po yung trabaho niyo" ay inisa-isa na niya ang mga magagandang nagawa nito para sa kanilang lungsod.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Inuna na niya ang pamimigay ng magagandang uri ng laptop para sa mga guro na handang-handa na sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa Lunes, Oktubre 5.

Gayundin ang mga tablets na magagamit ng kanilang mag-aaral na tiyak na makasasabay na raw sa mga online classes nila.

"Biruin mo yun, kapag Summa CumLaude ka may 30k ka, kapag Magna CumLaude may 25k at kung CumLaude naman may 20k ka," dagdag pa ni Christian.

Dinaan pa niya sa biro at sinabing huwag na raw masyado pang galingan ng kanilang alkalde sa serbisyo subalit ang nais niyang ipahiwatig ay sana'y pamarisan din ito ng iba pang mga public servant sa bansa.

"This is the kind of public service that every Filipino actually deserves," dagdag pa ni Christian.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sinang-ayunan naman ng iba pang mga residente ang pahayag na ito ni Christian dahil ramdam daw nila talaga ang kasipagan at katapatan ng kanilang alkalde.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Narito ang ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ngayon, sya ang gumagawa ng sariling ingay sa larangan ng politika. napakahusay!! tunay na halimaw."

"God bless you more Mayor Vico Sotto blessed mga taga-Pasig talaga sa buhay mo!"

"Hindi kami, Nagkamali sa iyo Mayor Vico"

"Speechless! Hindi nagkamali ang Pasigueño sa Pagpili"

"Swerte talaga kaming mga pasigueño pero sana maranasan din ito ng bawat Pilipino"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaan nitong nakaraang buwan, nag-donate ng sariling dugo ang alkalde sa isang blood-letting drive ng kanilang lungsod.

Namahagi rin siya ng libreng face shields sa kanilang lungsod bilang pagsunod sa karagdagang safety protocol na pagsusuot nito bukod sa face mask.

Si Mayor Vico Sotto ang kasalukuyang alkalde ng Pasig City. Siya ay anak ng sikat na TV host, actor at comedian na si Vic Sotto at aktres na si Connie Reyes.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel