Good vibes! Lalaki, viral dahil sa kanyang agaw-pansing face mask

Good vibes! Lalaki, viral dahil sa kanyang agaw-pansing face mask

- Milyon-milyon ang napatawa ng isang lalaki dahil sa kanyang nakakaaliw na face mask

- Mabilis nga itong nag-viral sa social media at talaga namang nagbigay ng good vibes sa marami

- Ayon sa lalaki sa viral video, isa ito sa paraan niya para magbigay ng saya sa kapwa

- Nakakatuwa lang na sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap ay marami pa ring paraan ang mga Pinoy para pagaanin ang ating sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umabot na sa mahigit tatlong milyon ang views ng isang viral video tampok ang isang lalaking agaw-pansin ang suot na face mask.

Napakarami nga nang napatawa nito matapos mag-viral nang maispatan ng netizen na si Karl Recto.

Good vibes! Lalaki, viral dahil sa kanyang agaw-pansing face mask

Photo from Eat Bulaga Facebook page
Source: Facebook

"Akala ko nung una nginungusuan ako ni Manong Face Mask nya pala yun," ayon sa Facebook caption ni Recto.

Rosanna Roces at anak nitong si Onyok, nagkabati na

Mabilis itong nag-viral sa social media at talaga namang nagbigay good vibes sa maraming netizens.

Sa isang FB post na ibinahagi ng Philippine Star, nakilala ang lalaki sa viral video na si Juanito Santos Jr., residente ng Tondo, Manila.

Sabi ni Mang Juanito, madalas ngang mapalingon ang mga tao sa kanya sa tuwing mapapansin ang kanyang face mask.

"'Di pa ako na-vi-video pinagtitinginan na 'ko sa'min 'pag pupunta ako palengke at mall," anito.

Dagdag pa nito, palagi niyang dala ang kanyang face mask at may suot pa rin naman daw siyang surgical mask sa ilalim nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Lagi kong dala. 'Pag nakakalimutan ko binabalikan ko. Kahit sa work suot ko kasi 'pag nakikita nga nila natatawa sila, saka pag lalabas ako," sabi pa ni Mang Juanito.

"Kung pwede ngang lahat ng nakakakita sa 'kin magpa-pic ako para alam ko maraming sumasaya kahit 'di na sa 'kin, kahit sa face mask na lang. Tanggal stress, pampa-good vibes lang," dagdag pa nito.

Tinaguriang 'Miss Dolomite' ng Manila Bay, sa Boracay naman nag-swimsuit

Nakakatuwa lang na sa gitna ng pandemyang ating kinakaharap ay marami pa ring paraan ang mga Pinoy para pagaanin ang ating sitwasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Simula nang magkaroon ng pandemya dulot ng pagkalat ng novel coronavirus o COVID-19, naging mandatory na ang pagsusuot ng face mask sa bansa at maging sa ibang lugar sa mundo.

Kamakailan ay nag-viral din ang isang babae na nagalit matapos sitahin ng isang matandang kapwa nito pasahero sa isang jeep dahil wala itong suot na face mask.

Isa ring babae ang nag-viral matapos makipagtalo sa ilang barangay officials nang sitahin siya habang naglalaba sa kanyang bakuran nang walang suot na face mask.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel