Ex-BF na naghahabol sa nagastos kay GF, nasermunan ni idol Raffy Tulfo

Ex-BF na naghahabol sa nagastos kay GF, nasermunan ni idol Raffy Tulfo

- Sa halip na tulong ay sermon ang natanggap ng isang complainant na lalaki sa programa ni Raffy Tulfo

- Binigyan ng payo ni Tulfo ang lalaki matapos nitong magsumbong sa programa dahil sa perang nais nitong bawiin sa dati nitong nobya

- Ayon sa lalaki, nais lamang niya itong mabawi dahil sa panloloko umano sa kanya ng babae

- Ngunit giit ng inirereklamo, hindi niya isasauli ang halagang hinihingi nito dahil boluntaryo itong ibinigay sa kanya ng lalaki habang sila ay magkarelasyon pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binigyan ng payo ni idol Raffy Tulfo ang isang lalaking complainant sa kanyang programa matapos nitong ireklamo ang dati nitong nobya.

Batay sa reklamo ni Nestor Asis Jr., nais niyang mabawi ang halagang P500,000 mula sa ex-girlfriend nito na si Racelle Anasco na matapos niya raw tulungan ay nagawa pa siyang lokohin.

Lupit! OFW, naiyak sa harapang pag-amin ni misis na naanakan ni Kap
Ex-BF na naghahabol sa nagastos kay GF, nasermunan ni idol Raffy Tulfo

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Depensa naman ni Anasco, nagsama sila ni Asis sa ibang bansa at ang kanyang mga kinikita ay hawak ng lalaki.

Nanindigan din ang babae na hindi ibabalik ang perang hinihingi ni Asis dahil kusa naman daw itong itinulong sa kanya nito habang sila ay magkarelasyon pa.

Iginiit din ni Anasco na nawala siya ng pagmamahal sa lalaki dahil sa pananakit at pananakot nito sa kanya noon bagamat aminado sa nagawang kasalanan dito.

Matapos marinig ang magkabilang panig ay hindi naiwasan ni idol Raffy na sermunan ang kanilang complainant.

Para kay idol, hindi na raw dapat pa binabawi ng isang lalaki ang anumang ginastos nito sa kanyang dating nobya bilang pagpapakita ng paggalang dito.

Samantala, dahil hindi magkasundo, ayon kay Anasco ay handa naman daw itong humarap sa korte sakaling sampahan siya ng kaso ni Asis.

Rider, umalma nang pagtulungan ng mag-asawang nakaalitan sa kalye

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW lumapit kay idol matapos niyang madiskubre ang panlalalaki ng kanyang misis na nagkaroon ng dalawang kabit!

Habang isa namang OFW ang umiyak na lamang nang harapang umamin ang kanyang misis na naanakan ito ng isang kapitan!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel