Emosyonal na pagkikita muli ng aso at ng kanyang amo, umantig sa puso ng netizens

Emosyonal na pagkikita muli ng aso at ng kanyang amo, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang video ng isang aso na masayang natagpuan ng kanyang amo makalipas ang tatlong buwan

- Makikita kung gaano ka-sabik ang aso nang makita ang amo sa isang parking space sa Taguig

- Nang mamataan siya ng kanyang amo, alam din nitong ito nga ang asong si 'Coco' na matagal-tagal na rin niyang hinanap

- Nang maiuwi, napansin naman ng amo ng 'fur-parent' na tila may karamdaman ang kanyang alaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Emosyonal na pagkikita muli ng aso at ng kanyang amo, umantig sa puso ng netizens

Ang asong si "Coco" (Photo from Samsonytz Tykz Facebook)
Source: Facebook

Umantig sa puso ng maraming netizens ang emosyonal na tagpo ng asong si 'Coco' at ang kanyang 'fur-parent' makalipas ang tatlong buwan nilang pagkakawalay.

Nalaman ng KAMI na nawala si Coco at matagal-tagal din itong hinanap ng kanyang amo.

Sa post ng fur-parent nitong may Facebook name na Samsonytz Tykz, ibinahagi niya ang emosyonal na pagkikita nilang muli ng alagang si Coco.

Babaeng nahablutan ng cellphone, binigyan ng bagong iPhone ng kanyang amo

Makikitang sabik na sabik ang aso sa pagtakbo nito sa kanyang amo nang magtagpo na sila sa parking space ng Vista Mall sa Taguig.

Alam ni Coco na amo nga niya ang kanyang nakita at agad niya itong nilapitan at nilambing.

Gayundin naman ang fur-parent na agad na nakita si Coco na papalapit sa kanya.

Subalit nang iuwi na niya ito, napansin niya ang pagiging matamlay ng aso dahil sa karamdamang kitang-kita sa kanyang pagangatawan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kaya naman sa update ni Samsonytz Tykz tungkol kay Coco, ipinakita niya ang kalagayan nito at humingi na rin siya ng opinyon kung ano ang mainam na gawin sa alaga.

Narito ang kabuuan ng video ng madamdaming tagpo ng dalawa:

Noong nakaraang taon, nag-viral ang larawan ng isang aso na tila hindi pa matanggap na yumao na ang kanyang amo.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Dahil isang guro ang kanyang fur-parent, dinala ng isa sa mga estudyante nito ang aso sa burol ng guro upang maipakita sa alaga nitong aso ang kalagayan na nito sa mga oras na iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kamakailan lamang ay agaw-eksena naman sa social media ang isang nobya na nagkaroon ng instant pet na bibe dahil sa balut na bigay sa kanya ng kanyang boyfiend.

Paborito kasi ng babae ang balut at sa dami na dala ng kanyang nobyo, hindi niya ito naubos. Nagulat na lamang siya nang makitang napisa ang isa sa mga natirang itlog at nagi niya itong alagang bibe.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel