Miss Intercontinental 2019, sinurpresa ang mga inmates na gumawa noon ng gown niya

Miss Intercontinental 2019, sinurpresa ang mga inmates na gumawa noon ng gown niya

- Bumisita si Miss Intercontinental 2019 sa mga inmates na tumulong na gumawa ng kanyang national costume

- Naghatid siya ng tulong sa mga bilanggo ng Angeles District Jail bilang pasasalamat na rin sa nagawa ng mga ito sa kanya sa pagsali niya sa prestihiyosong paligsahan

- Hindi ito ang unang beses na ginawa ito ni Emma Mary Tiglao at ngayon ay muli siyang namahagi ng ilang basic needs ng mga preso

- Ito rin daw ay isang paraan niya upang maiparamdam sa mga ito ang pag-asa na maari pa silang magbago sa kabila ng kanilang kinakaharap na sitwasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Miss Intercontinental 2019, sinurpresa ang mga inmates na gumawa noon ng gown niya

Miss Intercontinental 2019, Emma Mary Tiglao (Photo from Bb. Pilipinas Official Facebook)
Source: Facebook

Muling dumalaw si Miss Intercontinental 2019 Emma Mary Tiglao sa mga inmates ng Angeles District Jail.

Nalaman ng KAMI na ang mga inmates ng nasabing bilangguan ay tumulong sa paggawa ng national costume noon ni Emma.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Ayon sa ulat ni Saleema Refran sa 24 Oras, namahagi umano si Tiglao ng mga hygiene kits, vitamins at ilan pang mga gamot para sa mga inmates.

Makailang beses pa niya itong ginawa bilang pasasalamat sa mga nagawa ng inmates sa kanyang pagsali sa prestihiyosong pageant.

“Ang hirap for them na hindi nila nakita o mahawakan man lang ’yung family nila. So, right now this pandemic and ngayong nalalapit na ’yung Christmas, ma-feel man lang nila na outside ng jail merong nagmamahal at ready na tumulong sa kanila,” pahayag ni Tiglao na nagpakita muli ng pagmamalasakit sa mga bilanggong nagsusumikap na magbagong buhay.

Dahil sa pandemya, hindi nabibisita ang mga preso ng kanilang mga mahal sa buhay. Bagaman at binigyan sila ng pahintulot na makumusta ang mga pamilya sa pamamagitan ng e-dalaw, hindi naman lahat ay nakagagawa nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Larawan ng estudyanteng naiyak sa online class, ikinabahala ng netizens

Kaya naman malaking tulong ang nagawa ni Tiglao sa mga inmates upang maipadama sa mga ito na may nagpapahalaga pa sa kanila.

Sa unang pagbisita ni Miss Inercontinental 2019 sa mga Kapampangan na inmates noong nakaraang taon, naipadama na niya ang suporta sa mga tinawag niyang PDL o persons deprived of liberty.

Ayon sa Rappler, kilala ang mga inmates na ito sa paggawa ng mga basket kaya sila noon ang napili upang matulungan ang designer ng gown ni Tiglao na si Richie Sabinian at tinawag niya itong 'Fe Esperanza Caridad'.

Sa mismong post ng BJMP Angeles District Jail Male Dormitory noong nakaraang taon, taos-pusong pinasalamatan nila si Tiglao sa tiwalang ibinigay nito sa kanilang mga inmates na naging bahagi ng isang napakagandang obra na maipagmamalaki ng mga Pilipino.

Samatala, ilan namang mga Pinay beauty queens ang nasangkot sa kontrobersya kamakailan.

Isa na rito si Miss Universe 2011, 3rd runner-up na si Shamcey Supsup kung saan dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang ilang mga tauhan nila ng kanyang asawa sa restaurant kaugnay umano sa kalagayan nila sa trabaho.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Maging ang Mutya ng Pilipinas 2018 na si Sharifa Akeel ay lakas loob nang tinuldukan ang akusasyon sa kanya bilang isa umanong third party ng isang kilalang kongresista.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel