Sobrang cute! 2 bata na nagpa-picture sa meter reader, kinagiliwan ng mga netizens

Sobrang cute! 2 bata na nagpa-picture sa meter reader, kinagiliwan ng mga netizens

- Tampok sa social media ngayon ang dalawang chikiting na nagpa-picture sa isang meter reader

- Ayon sa pinsan ng mga bata, nakisuyo ang mga ito na magpa-picture sa lalaki habang nagbabasa ito ng metro

- Matapos niyang kunan ng litrato ang mga bata, agad niya ring pinakita ito sa kanila at naging masaya sila rito

- Maging ang mga netizens ay tuwang-tuwa rin sa cute moment ng mga bata sa meter reader

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging viral sa social media ang dalawang bata at isang meter reader dahil sa kanilang cute moment.

Nalaman ng KAMI nagpa-picture ang dalawang chikiting sa meter reader at inakalang photographer ito.

Sobrang cute! 2 bata na nagpa-picture sa meter reader, kinagiliwan ng mga netizens

Photo from Meralco's Facebook page
Source: Facebook

Sa Facebook post ni Krizzel Gatmin, ikinuwento niya na nakita niyang nagpapicture ang dalawang pinsan niyang bata sa lalaking nagbabasa ng metro.

Driver na ginawang tindahan ang kanyang taxi, umantig sa mga netizens

Game na game na pinicturan naman ng taga-Meralco ang dalawang chikiting. Pinakita niya pa ang mga litrato sa mga bata.

Maraming mga netizens naman ang natuwa sa mga bata at sa meter reader. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook:

“Nakakatuwa grabe. Sobrang happy siguro ng mga batang ‘to nung pinicturan sila!”
“Hahaha good ka Kuya at least napasaya mo ang mga cute”
“The good side of the world”
“Sobrang cute oy!!!”
“Bait naman ni kuya, natuwa din sya sa kabibuhan ng mga bata...”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa panahon ngayon, maraming mga Pinoy nga ang nabigla sa biglang taas ng kanilang bill sa Meralco. Maging ang mga artista ay nakaranas din nito.

Kamakailan lang, nilinaw ng Meralco ang biglaang pagtaas umano ng bill sa kuryente ng mga tao matapos matigil ng kanilang meter reading dahil sa enhanced community quarantine.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Samantala, nagkaroon din ng video sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kung saan pinaliwanag nila ang biglaang pagtaas ng singil sa kuryente sa bill noong mga nakaraang buwan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel