Driver na ginawang tindahan ang kanyang taxi, umantig sa mga netizens

Driver na ginawang tindahan ang kanyang taxi, umantig sa mga netizens

- Naging viral sa social media ang isang taxi driver dahil sa kanyang kakaibang diskarte sa gitna ng pandemya

- Ibinahagi ng isang netizen na ginawang sari-sari store ng driver ang likod ng kanyang taxi upang magtinda

- Maraming mga panindang dala ang driver at binebentahan din niya maging ang mga kapwa taxi driver niya

- Kaya naman, nagsilbing magandang halimbawa ang taxi driver sa pagiging madiskarte sa gitna ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa hirap ng buhay ngayong may pandemya sa bansa, kanya-kanyang diskarte na nga ang Pilipino para lang kumita ng pera.

Nalaman ng KAMI na isang taxi driver ang nagkaroon ng kakaibang diskarte upang kumita ngayon.

Driver na ginawang tindahan ang kanyang taxi, umantig sa mga netizens

Larawan mula sa Getty Images
Source: Getty Images

Sa Facebook post ng netizen na si Shiella Atienza, ibinahagi niya na ang isang driver ay ginawang sari-sari store ang likod ng taxi niya.

Bote ng alcohol, sumabog sa loob ng kotse; wasak ang upuan at salamin

Kwento pa ng netizen, habang pumapasada ang driver ay dala rin niya ang mga paninda niya at binebentahan niya ang mga kapwa taxi driver niya.

Tila nagsilbing magandang halimbawa nga ang driver sa pagiging madiskarte sa buhay lalo na ngayong nasa gitna ng krisis ang bansa.

“Isang HALIMBAWA na lahat kakayanin para sa pamilya at mga pangarap, na pedeng gawin sa marangal na pamamaraan!” sabi ng netizen.

Umantig din sa iba pang mga netizens ang pagiging madiskarte ng driver. Narito nga ang ibang mga komento nila sa Facebook:

“Buti pa si manong, marunong dumiskarte.”
“Diskarte tayo sa kalye bawal na ang arte”
“Pag gustong kumita at tumulong sa pamilya laging may paraan. Maliit man o malaki ang kita bsta may mailapag sa lamesa”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kaya naman, maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at kanya-kanya ang paggawa ng paraan para kumita ng pera.

Lolong nanlilimos, nagbayad ng baryang ₱400 para lang makabili ng bagong t-shirt

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang driver ang nasuklian ang kabaitan matapos niyang isauli ang naiwang wallet na napulot niya.

Samantala, isang vlogger na taxi driver naman ang umabot na sa 10,000 ang subscibers sa tulong ng mga pasahero niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel