Babaeng nahablutan ng cellphone, binigyan ng bagong iPhone ng kanyang amo

Babaeng nahablutan ng cellphone, binigyan ng bagong iPhone ng kanyang amo

- Nabigyan ng bagong cellphone ang isang empleyado na nabiktima ng isang snatcher sa pagpasok niya sa trabaho

- Nang mabalitaan ito ng kanyang amo, hindi ito nagdalawang isip na bilhan ng bagong smartphone ang empleyado

- Naiyak sa sobrang saya ang empleyado na hindi makapaniwala na napalitan agad ang kanyang nawalang cellphone

- Subalit aminado siyang nanghihinayang siya umano dahil sa mga larawan ng kanyang pamilya na naroon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Babaeng nahablutan ng cellphone, binigyan ng bagong iPhone ng kanyang amo

Photo from Pixabay
Source: Facebook

Nasurpresa ang isang empleyado nang mabigyan siya ng bagong celpphone ng kanyang amo matapos na ma-snatch ang katatapos lang niyang bayaran na smartphone.

Nalaman ng KAMI na naiwala raw ito ng empleyado ng YOLO na si Yossi sa may Alabang Zapote road, Las Pinas habang papasok siya sa trabaho.

Ibinahagi ng kanyang amo na si Basel Manadil o ang vlogger na mas kilala sa tawag na The Hungry Syrian Wanderer ang pangyayari kung paano niya sinurpresa si Yossi.

OFW, binigyan ng limpak-limpak na salapi ng employer niyang sikat na Australian vlogger

Naganap umano ang insidente noong Setyembre 28 at kinabukasan, isinama ni Basel si Yossi upang mas maidetalye nito sa lugar ng pinangyarihan kung paanong nakuha ang kanyang cellphone na kakatapos lamang niyang bayaran.

Walang kaalam-alam noon si Yossi na naibili na pala siya ng kanyang amo ng bago at mas magandang klase ng cellphone.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Naikwento pa ng empleyado na balak na lamang niyang gamitin muna ang cellphone na ipadadala sana niya sa kanyang ama.

Ngunit mas masisiyahan daw kasi siya kung maipadala niya ito kaysa gamitin kaya ang iPad na lamang na nauna nang maibigay sa kanya ng kanyang amo ang pansamanatala niyang gagamitin para sa komunikasyon lalo na sa kanyang mga kamag-anak sa Mindanao.

Kaya naman ang i-abot na ng amo ang bagong iPhone, naluha sa sobrang saya si Yossi na di tila hindi makapaniwalang napalitan agad ang kanyang cellphone.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Labis-labis ang pasasalamat niya sa kanyang amo na likas na matulungin at may malasakit sa kanyang mga empleyado.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ay sikat na vlogger sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas.

Katunayan, marunong na siyang mag-tagalog sa labis na pagmamahal at respeto sa bansa. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Lalo na ngayong pandemya, marami-rami na rin siyang natulungan at nabigyan ng kabuhayan.

Tulad na lamang ng dalawang construction workers na nawalan ng trabaho kay binigyan niya ng raket.

Gayundin ang isang batang namataan niyang nagtitinda ng basahang gawa ng ina na nabigyan naman niya ng tablet na makatutulong daw umano sa online class nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel