Bote ng alcohol, sumabog sa loob ng kotse; wasak ang upuan at salamin

Bote ng alcohol, sumabog sa loob ng kotse; wasak ang upuan at salamin

- Isang netizen ang nagbahagi ng kanilang karanasan matapos nilang mag-iwan ng bote ng alcohol sa loob ng kotse

- Kwento ng netizen, dalawang oras nilang iniwan ang sasakyan sa labas ng warehouse nang mangyari ang pagsabog

- Nabutas ang bote ng alcohol at maraming sira nga itong nagawa sa sasakyan matapos ang pagsabog

- Sabi ng netizen, nabasag ang salamin ng kotse, nasira rin ang bubong nito at nabutas ang upuan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng isang netizen ang hindi magandang karanasan nila nang dahil sa bote ng alcohol.

Nalaman ng KAMI na biglang sumabog ang bote ng alcohol sa loob ng kotse.

Bote ng alcohol, sumabog sa loob ng kotse; wasak ang upuan at salamin

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Sa Facebook post ng netizen na si Joyce Ann Canlas, nabasag daw ang salamin ng kotse at nabutas ang upuan dahil sa pagsabog na nangyari.

Lolong nanlilimos, nagbayad ng baryang ₱400 para lang makabili ng bagong t-shirt

Bukod pa rito, nasira rin ang bubong ng sasakyan. Kaya naman, nagbigay babala ito sa mga ibang tao na huwag mag-iwan ng alcohol o iba pang flammable na bagay lalo na at mainit ang panahon sa Pilipinas.

“Magingat po at baka mangyari rin ito sainyo, lalo na at marami talagang nagiiwan ng alcohol sa kotse ngayong pandemic,” aniya.

Samantala, sa post naman ng GMA News sa Facebook, nagbabala naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi dapat nag-iiwan ng alcohol, sanitizer, o anumang disinfectant sa loob ng kotse.

Paliwanag nila, mabilis daw maglabas ng vapor at fumes ang mga ito na maaaring magpataas ng pressure sa loob ng bote. Kaya naman, kapag tumaas ang temperature ay maaaring magdulot ito ng pagsabog.

Nagbabala rin ang Food and Drug Administration (FDA) sa tamang pagtago ng alcohol. Dapat daw ay ilayo ito sa mga maiinit na lugar.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa gitna ng pandemya, maraming mga Pinoy ang nagiging mas ma-ingat at laging may dalang alcohol upang mapanatiling malinis ang kamay nila.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nagbigay babala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tungkol sa pagdi-disinfect ng mga pera.

Samantala, maraming mga artista naman ang nag-react noong nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte na pwedeng gamitin ang gasolina bilang alcohol para mag-disinfect.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel