Bangkay ng 23-anyos na transgender, natagpuang lumulutang sa ilog

Bangkay ng 23-anyos na transgender, natagpuang lumulutang sa ilog

- May mga sugat sa ulo at patay na nang matagpuan ang bangkay ng 23-anyos na transgender na nakilalang si Donna Nierra

- Nadiskubre ang bangkay nito na palutang-lutang sa isang ilog sa Caloocan

- Ayon sa pulisya, may hinahanap na raw silang tao na nakasama nito noong Linggo

- Labis-labis naman ang hinagpis ng pamilya ni Donna sa biglaan nitong pagkamatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Wala nang buhay at may mga sugat sa ulo nang matagpuan ang bangkay ng 23-anyos na transgender na nakilalang si Donna Nierra.

Ayon sa rumespondeng barangay official na nakapanayam ng 24 Oras, isang bata ang nakakita sa bangkay ni Nierra na palutang-lutang sa ilog sa Caloocan.

Bangkay ng 23-anyos na transgender, natagpuang lumulutang sa ilog

Screen grab from 24 Oras
Source: Facebook

Batay sa salaysay ng ama at kapatid ni Nierra, nagpaalam daw ito sa kanila noong Sabado ng hapon na may lakad silang magkakaibigan.

Lupit! OFW, naiyak sa harapang pag-amin ni misis na naanakan ni Kap

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala rin daw silang alam na may kaaway o kagalit ang biktima.

Ayon sa pulisya, may hinahanap na raw silang tao na nakasama raw nito noong Linggo.

"Mayroon tayong hinahanap na tao na nakasama niya noong Sunday, so may nakapagsabi, nilo-locate natin iyon, and iyong bangkay ngayon, as of this period, ay subject for autopsy para malaman natin kung ano talaga 'yung sanhi ng kanyang pagkamatay," ayon kay PCol. Dario Menor, hepe ng Caloocan Police.

Hustisya naman ang hiling ng pamilya ni Nierra na nanawagan pa sa salarin na pagbayaran ang ginawang krimen.

"Kailangan talagang magkaroon ng hustisya 'yong anak ko. Masaklap 'yung pagkaano niya, pagkamatay," ayon sa ama ng biktima.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Kamakailan ay naging laman muli ng balita ang tungkol sa kaso ng pinaslang na transgender na si Jennifer Laude.

Ang ina nito ay labis daw na nasaktan matapos bigyan ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspek sa pagkamatay ng anak na si Joseph Scott Pemberton.

Ang aktor naman na si Robin Padilla, sinuportahan ang naging desisyon na ito ng pangulo at umani ng sari-saring opinyon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel