Lalaking nasa bahay at hinuli dahil walang face mask, nagmamatigas

Lalaking nasa bahay at hinuli dahil walang face mask, nagmamatigas

- Nagreklamo ang isang lalaki na nahuli ng barangay sa loob mismo ng kanilang compound na walang suot na face mask

- Giit ng lalaki na nasa loob na siya ng kanilang kwarto nang masita siya ng mga taga-barangay na naroon para magdala ng pagkain sa ilang mga kasama ng lalaki na naka-isolate

- Itsurang boarding house kasi ang tirahan ng lalaki at "common" pa ang kanilang comfort room

- Kaya naman ang katwiran ng mga tanod, kinakailangan pa ring mag-mask ng lalaki dahil marami silang iba't ibang pamilya na naroon na maaring magkahawahan kung hindi mag-iingat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lalaking nasa bahay at hinuli dahil walang face mask, nagmamatigas

Photo from Pixabay
Source: UGC

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang lalaking si Jomil Ejona ng Brgy. Marcelo Green sa Parañaque dahil hinuli umano siya ng mga taga-barangay sa hindi niya pagsusuot ng face mask.

Misis, nakayang patirahin ang kabit kasama nila ng kanyang mister sa iisang bubong

Nalaman ng KAMI na nasa loob naman ng kanilang itsurang boarding house si Jomil kaya raw hindi siya noon naka-face mask.

Isa rin sa sinasabi niyang dahilan ay kagagaling lamang niya sa paliligo at nasa kwarto na raw siya nang sitahin siya ng mga tanod.

Paglilinaw ng mga taga-barangay, common ang comfort room ng tinitirahan ni Jomil.

Maraming pamilya rin ang nakatira roon kaya malaki ang posibilidad na magkahawahan kung hindi susunod sa mga safety protocol.

Nabanggit din na kagagaling lang umano noon ni Jomil sa pagkakaron ng COVID-19 at naka-isolate pa rin subalit hindi na ito nagsusuot ng face mask.

Nagpakita ng pagmamatigas si Jomil kahit na ipinaliwanag na mismo ni Tulfo na nararapat lamang ang ginawa ng barangay sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nabanggit pa ng Barangay ExO nila na minsan na ring nahuli si Jomil na isa palang drayber at wala rin siyang suot na mask noon.

OFW na nakapagpundar ng ari-arian, inspirado dahil sa limang anak

Napagbigyan umano ito dahil binigyan lamang siya ng paalala sa unang beses na di niya pagsusuot ng mask na magsisilbing proteksyon niya sa COVID-19.

Samantala, sinamahan ng staff ng programa ni Tulfo ang kapatid ni Jomil na si Carmina sa barangay.

Ipinaliwanag ni Carmina na wala raw umanong pagkakamali ang kanyang kapatid at may ilan din naman hindi nakasuot ng face mask nang mga oras na iyon sa kanilang compound subalit hindi naman daw nahuli.

Paglilinaw naman ng mga taga-barangay, may isa pang nabigyan ng tiket at ang pamilya nina Jomil na sinasabing nagwala ay di muna nabigyan ng tiket para lang kumalma.

Sa huling update ng 'Wanted sa Radyo' nagmamatigas pa rin di umano si Jomil at hindi pa rin binabayaran ang multa. Dahil dito, ipinasa na ng barangay ang insidenteng ito sa munisipyo ng Parañaque.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mag-inang patungong DSWD, nahuli sa EDSA ngunit nabigyan pa ng biyaya

Hindi nalalayo ang kwento ni Jomil sa karanasan ng isang ginang na naglalaba sa kanyang bakuran at sinita umano siya ng tanod dahil wala siyang face mask.

Ang kaibahan lamang nila, bakuran mismo ng ginang ang lugar kung saan siya naglalaba at walang ibang tao kundi siya lamang.

Sa panahon kasi ngayon na wala pa ring lunas sa COVID-19, ang pagsusuot ng face mask at face shield ang mga paraang nararapat lamang nating gawin upang hindi tamaan ng virus.

Tulad ng nabanggit ni Tulfo, may ordinansa man o wala, maging responsable dapat ang bawat mamamayan sa pagsusuot ng face mask at face shield upang makapigil sa patuloy pa ring pagkalat ng COVID-19.

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang news anchor sa bansa. Mas lalo siyag nakilala dahil sa programa niyang 'Raffy Tulfo in Action' kung saan naging sumbungan na siya ng mga kababayan nating naapi at agad niyang na-aaksyunan ang mga inirereklamo ng mga ito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel