Rider, umalma nang pagtulungan ng mag-asawang nakaalitan sa kalye

Rider, umalma nang pagtulungan ng mag-asawang nakaalitan sa kalye

- Isang motorcycle rider ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo upang ireklamo ang mag-anak na nakaalitan nito sa kalye

- Sa nasabing programa ipinakita ang video ng komprontasyon ng dalawang panig na kuha mismo ng complainant

- Ayon sa rider, nag-ugat ang gulo nang mag-counter flow umano ang mga inirereklamo, dahilan para siya ay masagi nito

- Ngunit sa halip na humingi ng paumanhin ay nauwi nga sa komprontasyon ang insidente. Muntik na rin umano siyang saktan ng mga ito at itinumba ang kanyang motorsiklo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang motorcycle rider ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na "Tulfo in Action" para ireklamo ang mag-anak na kanyang nakaalitan sa kalsada.

Isang video rin ang ipinakita nito sa programa kung saan makikita ang pangha-harass ng mag-asawa sa kanya.

Rider, umalma nang pagtulungan ng mag-asawang nakaalitan sa kalye

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa rider na si Aaron Roque, nag-ugat ang gulo sa pagitan nila nang mag-counter flow umano ang sasakyan ng mga ito na naging dahilan para siya ay masagi nito.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Ngunit sa halip na humingi ng despensa ay muntik na naman daw siyang bungguin ng mga ito nang mag-abot sa isang parte ng kalye kung saan siya huminto.

Dito na mapapanood ang pagbaba ng mag-asawa at hinarap ang rider. Maririnig din ang pagmumura ng mga ito sa kanya.

Maririnig din si Roque nang sabihin nitong nais siyang saktan ng lalaki. Hanggang sa itinumba pa nga ng lalaki ang kanyang motorsiklo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, ayon sa kapitan sa lugar, inirereklamo ng mag-asawa si Roque dahil sa pagpo-post nito sa social media ng naturang video.

Dahil daw dito ay may mga nagbabanta raw sa kanilang buhay at nambabastos umano sa kanila.

Batay naman sa pahayag ng abogado ng programa na si Atty. Garreth Tungol, hindi maaaring pumasok sa cyber libel ang pagpo-post ni Roque ng video sa Facebook dahil naganap ang insidente sa isang pampublikong lugar.

Larawan ng estudyanteng naiyak sa online class, ikinabahala ng netizens

Sa halip ay maaaring makasuhan ang mag-asawa dahil sa pagnanais ng mga ito na saktan ang rider at ang intensyon ng paninira sa motor nito.

Ayon naman sa LTO, posibleng magmulta ang mag-asawa kapag napatunayang nag-counter flow nga ang mga ito.

Maaari ring masunpinde hanggang sa tuluyan nang ma-revoke ang lisensya ng driver dahil sa intensyon ng pananakit sa rider at paninira sa motor nito.

Hindi pa nagdedesisyon si Roque kung sasampahan niya ng kaso ang mag-asawa o makikipag-areglo sa mga ito.

Ayon kasi rito ay nagawa pa siyang siraan ng anak ng mag-asawa na kasama nang mangyari ang insidente kung saan binastos pa umano siya nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan lang ay dumulog kay idol ang mag-anak na nag-viral matapos kuyugin ang isang nurse.

Isang nurse din ang inireklamo sa programa ni idol matapos ahasin ang asawa ng kanyang pasyenteng nagda-dialysis.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel