Lolong nanlilimos, nagbayad ng baryang ₱400 para lang makabili ng bagong t-shirt

Lolong nanlilimos, nagbayad ng baryang ₱400 para lang makabili ng bagong t-shirt

- Viral ang larawan ng lolo na barya barya ang ipinambayad makabili lamang ng bagong tshirt

- Nagulat ang tindera at hindi pa talaga tumawad ang matanda

- Dahil sa tuwa, binigyan pa ng tindera ng isa pang libreng t-shirt ang lolo na ang pinili pa ay iyong mga tie-dye ang disenyo

- Naantig naman ang puso ng netizens dahil tila pinag-ipunan pa ng lolo ang pagkakaroon ng bagong damit na mula sa kanyang napaglimusan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lolong nanlilimos, nagbayad ng baryang ₱400 para lang makabili ng bagong t-shirt

Photo from Paulee Dagandan
Source: Facebook

Viral ang larawan ng isang lolo na naglabas ng nasa ₱400 na barya pambayad sa naibigan niyang t-shirt.

Kwento ng seller na si Paulee Dagandan, natuwa raw siya sa lolo hindi dahil sa baryang ipinambayad nito kundi hindi ito tumawad sa kanyang binili.

Madalas kasi ay tumatawad ang mga mamimili ngunit ang lolo na ito ay agad na naglabas ng kanyang pambayad dahil sa pagnanais na magkaroon ng bagong damit.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Tie-dye pa ang disenyong kanyang napili at dahil natuwa sa kanya ang tindera, binigyan pa niya ito ng isa pang libreng t-shirt.

Maging ang mga netizens ay humanga sa inasal ng matanda at tila nauunawaan nitong kailangan din kumita ng mga nagnenegosyo muli sa kanilang tubo.

Ang ilan, nais pang magpaabot ng tulong sa lolo at pamilya nito. Dahil dito, sinikap ng uploader na hanapin ang inuuwian ng matanda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa anyang pagtatanong-tanong, napag-alaman niyang naghihinngi o nanlilimos lamang ito ng barya.

Nangangahulugan na wala itong maayos na pinagkakakitaan subalit agad itong naglabas ng kanyang pambayad para lang magkaroon ng bagong damit.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Awww! Sweet nyo pareho. Bless you more! Ito ang masarap sa isang buyer. Hindi mahirap kausap. Ikaw mismo magbibigay ng free kasi hindi niya iisiping pinagkakaperahan mo lang sya"

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

"Pag bumalik si tatay bigyan mo ulit ng isa. Ako na bahala"

"Si manong, alam na pinaghirapan yung damit. Grabe, nakakatuwa."

"Feeling ko hindi rin para sa kanya ang binili niyang shirts. May pag bibigyan or pag reregaluhan siya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isa ring magkapatid na lolo at lola ang natulungan ng isang vlogger sa Aklan nang makita ng nagasagawa ng census sa lugar nila ang kalagayan ng magkapatid.

Gayundin ang isang senior citizen na namumuhay lamang mag-isa na natulungan ng mga motorcycle riders naman na magkaroon ito ng mas maayos na tahanan.

Lagi nating pakatandaan na lahat tayo ay mabibigyan ng pagkakataon na humantong sa katandaan. Kaya naman lagi nating isaisip na tulungan ang mga senior citizen dahil pag tayo ay pinalad na magkaroon ng mahabang buhay. maaring tayo rin ay mangailangan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel