Complainant, bumati ng "Happy Birthday" kay Raffy Tulfo kahit di naman niya kaarawan

Complainant, bumati ng "Happy Birthday" kay Raffy Tulfo kahit di naman niya kaarawan

- Bigla na lamang bumati ng "Happy Birthday' ang isang complainant kay Raffy Tulfo kahit hindi naman umano nito kaarawan

- Nagulat ang host ng programang 'Wanted sa Radyo' gayung napakalayo pa ng kanyang kaarawan

- Mas lalo itong natuwa nang sabihin pa ng complainant na "advance happy birthday" mapanindigan lamang ang kanyang pagbati

- Maging ang misis ng complainant at nagulat at binulungan ang mister na hindi naman kaarawan ng kanilang Idol Raffy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Complainant, bumati ng "Happy Birthday" kay Raffy Tulfo kahit di naman niya kaarawan

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Napatawa na naman si Raffy Tulfo sa isa complainant na dumulog sa kanyang programang 'Wanted sa Radyo.'

Nalaman ng KAMI na bigla na lamang umanong bumati ang lalaking si Louie Hillera ng "Happy Birthday" kay Tulfo gayung hindi naman niya kaarawan.

Seryoso pa naman ang usapin noon dahil sa pagpapatiwakal ng inirereklamo nina Hillera at misis nitong si Chona Alano.

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Nang si Hillera na ang kinausap ni Tulfo, bumati ito ng magandang hapon at saka sinabing "Happy Birthday po pala sa inyo!"

Natawa na lamang si Tulfo at sinabing hindi naman niya kaarawan nang araw na iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narinig daw kasi ng lalaki na tila may nakapagbanggit ng birthday ni Tulfo kaya inakala nitong kaarawan nga ng kanyang Idol Raffy.

Excited pa naman niyang batiin ito at mapapansing sinaway din siya ng asawa at sinabing di naman kaarawan ng kilalang host.

Nilinaw din ni Tulfo na Sa Marso 12 pa ang kanyang kaarawan ngunit tila pinanindigan pa rin ni Hillera ang pagbati at sinabing ito at advance greeting na lamang.

Kalaunan ay natulungan pa ni Tulfo ang mag-asawang complainant upang magkaroon sila ng ikabubuhay lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Narito ang kabuuan ng episode:

Ana Dela Cruz to Raffy Tulfo: "Babae po yung bumubulong sa videos"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaan sa unang nai-ulat ng KAMI na minsan nang napahalakhak sa kakatawa si Tulfo dahil sa complainant na ang inirereklamong mister ay katabi lamang niya.

Talagang napatawa si Tulfo dahil cool na cool pa noon ang inirereklamo na nasa tabi lamang ng misis na gusto pa paalisin pansamantala sa kanilang tahanan dahil umano sa pambababae nito.

Kilala si Raffy Tulfo sa agarang pagtulong niya sa mga inaaping mga mamayan, ordinaryo man o kilalang personalidad.

Tulad ni Raffy, kilala ring mga batikang broadcast journalist ng bansa ang kanyang mga kapatid na sina Ramon, Ben at Erwin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel