Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

- Nag-viral ang video ni Pasig City Mayor Vico Sotto habang nakikipagtalo sa isang Filipino-Chinese businessman kamakailan

- Pero paglilinaw ni Mayor Vico, may mga nilabag sa batas ang negosyante katulad ng pagpapa-demolish nang hindi sumusunod sa protocols

- Sa kanyang social media accounts, agad na ipinagbigay-alam ng millenial mayor ang ilang detalye ng komprontasyon niya sa negosyante

- Bagamat madalas na makitang "cool" si Mayor Vico, marami pa rin ang pumuri sa pagiging matapang nito para sa bayan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong nakaraang linggo ay nag-viral ang video kung saan makikita si Pasig City Mayor Vico Sotto habang nakikipagtalo sa isang Filipino-Chinese businessman.

Batay sa nasabing video, umalma ang alkalde dahil sa pagpapa-demolish ng negosyante sa isang establisyemento sa lugar.

Ngunit napag-alamang hindi sumunod sa tamang protocol ang negosyante na ayon na rin kay Mayor Vico.

3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo
Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Photo from Mayor Vico Sotto Facebook page
Source: Facebook

Dahil mabilis na kumalat ang video ay agad na nilinaw ni Sotto ang mga detalye tungkol sa video sa pamamagitan ng kanyang social media accounts.

"In case may magpost ng putol na video at subukan akong baliktarin... Ang kausap ko kanina ay:

1. Nag-iwan ng container van at crane sa gitna ng kalsada;

2. Nasira nila ang humps at ibang parte ng kalsada.. (at kung titingnan mo, makikitang posibleng tamaan ang mga katapat na bahay);

3. Nasa 3rd floor na ang konstruksyon ng building nila samantalang pang 2 palapag lang ang Building Permit;

4. May isa pa silang istruktura na nasa ibabaw ng sidewalk ang 2nd floor;

5. Minura, nginaratan, at hinamon si Volta at ibang opisyales ng LGU na nagpapaliwanag sa kanya bago ako dumating;

6. Nag-hire ng private security na armado;

7. Sila rin yung nag-illegal demolition na MAY BATA PA SA LOOB NG BAHAY;

8. Nung pinatigil ko ang illegal demolition na ginagawa nila, binaliktad nila ang kwento at nag-file ng letter-complaint sa Malacañang laban sa LGU;

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

9. Sa complaint nila, sinabi nilang SILA ang ipinapa-demolish ng LGU (Malinaw sa pictures na walang dalang gamit na pang-demolisyon ang mga peace&order officers natin;

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

10. Sinubukan na rin nilang bakuran ang lugar para di na makapasok ang mga taong nandun na bago pa man nilang bilhin ang lupa;

11. Nagkakalat ng kwento laban sa kapitan;

at marami pa silang ibang violation at napaka bastos makipag usap.

Criminal and civil cases will surely follow.

Patas tayo sa lahat, mayaman o mahirap, pero hindi tayo uupo't manunuod lamang kapag may nang-aapi ng kapwa at nambabaliktad pa ng kwento," anito sa isang Facebook post.

"Dami nang nag comment tungkol dito (some out of context)

"Marami siyang violation, pero ang MAIN ISSUE rito:

"Ilang beses na nilang sinubukan magpatayo ng building na WALANG BUILDING PERMIT.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

"Tapos hinarangan ng truck at crane nila ang PUBLIC ROAD. Nakasira pa sila ng humps."

Dagdag pa ni Mayor Vico, inihahanda na rin ang ilang criminal and civil cases laban sa negosyante.

Bagamat madalas na makitang "cool" si Mayor Vico, marami pa rin ang pumuri sa pagiging matapang nito para sa bayan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mayor Victor María Regis "Vico" Nubla Sotto o Vico Sotto, 31, ay anak ng isa sa haligi ng komedya sa bansa at Eat Bulaga host na si Vic Sotto at ng batikang aktres na si Coney Reyes.

Kamakailan ay nag-donate ng kanyang dugo si Mayor Vico bilang pagtulong ngayong nangangailangan ng supply dahil sa COVID-19 pandemic.

Madalas ding mapag-usapan ang love life ng single mayor at isa nga sa inerereto rito ay ang maganda at bata ring alkalde ng San Manuel Tarlac na si Mayor Donya Tesoro.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel