Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

- Nakaranas din umano si Raffy Tulfo mismo ng mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa kanila mismong tahanan

- Ito ay matapos na mabalot ng misteryo ang kanilang pansamantalang opisina dahil sa mga 'bulong' sa ilang episodes ng Raffy Tulfo in Action

- Ito ay pinasuri na sa mga eksperto na maaring makapagpaliwanag sa mga kaganapan at lumabas na isang kaluluwa ng babaeng hindi matahimik ang gumagambala sa opisina ayon sa dalawang paranormal investigators

- Hindi man daw naniniwala si Tulfo sa mga multo o sa mga kabablaghang nagaganap na ito subalit siya na mismo ang nakaranas sa kanila pa mismong tahanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Matapos na mag-viral ang ilang video ng 'Wanted sa Radyo' dahil umano sa mga misteryosong 'bulong' na narinig ng mga netizens, mismong ang host ng programa na si raffy Tulfo ang nakaranas umano ng hindi niya maipaliwanag na pangyayari sa kanila pa mismong tahanan.

Raffy Tulfo, ipasusuri sa eksperto ang di umano'y imahe ng babaeng nahagip sa video

Nalaman ng KAMI na ibinihagi ito ni Tulfo sa mismong bungad ng kanyang programa nitong Lunes, Setyembre 28.

Kwento niya, umuwi siya sa kanilang bahay upang magpalit lamang ng damit para sa kasunod niyang programa sa TV5 nang bigla umanong bumukas ng kusa ang kanilang telebisyon sa kwarto.

Tinanong niya ang mga kasama niya noon sa bahay kung may pumasok doon upang manood subalit wala naman ang sagot ng mga ito.

Pinalampas niya ang pagkakataong iyon subalit ang mas matindi ay nang maulit ito isang madaling araw bandang 2:44am.

Nagising umano siya sa liwanag ng kanila muling telebisyon sa kwarto na kusa muling nagbukas.

Ginising niya ang kanyang misis kung ito ba ang nagbukas ng telebisyon at sumagot ito ng hindi sabay tulog muli.

Aminado ang host ng 'Wanted sa Radyo' na nakaramdam na siya ng pagtindig ng kanyang balahibo lalo na at ang palabas pa sa telebisyon na biglang nagbukas ay horror na hindi naman nila huling pinanood ng kanyang misis sa Netflix.

Landlady, pinahihiram pa rin ng pangkain ang mag-asawang di nakakabayad ng upa

Hindi na raw siya agad nakatulog kaya naisipan niyang magbanyo. Inakala niyang tapos na ang kababalaghan nang biglang marinig niyang kusa namang nabuhay ang kanilang shower na tila may mga latak pang bumabagsak.

Nang ito raw ay kanyang titingnan para pahituin, kusa na itong tumigil.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"First time in my life na yung balahibo ko ay tumindig and I don't know why," ayon sa host na makailang beses pang sinabi na hindi siya naniniwala sa mga multo bagaman naniniwala siya sa 'after life.'

Nilinaw din niyang wala siyang intensyong manakot ng kanyang mga tagasubaybay at sinabing sila na muli ang bahalang humusga sa kanyang naging karanasan.

Narito ang kabuuan ng episode mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube:

Kamakailan, ay ibinahagi na ng programa ni Tulfo ang naging mga resulta ng pagpapasuri niya sa mga videos niya na may mga bumubulong sa mga eksperto.

Ana Dela Cruz to Raffy Tulfo: "Babae po yung bumubulong sa videos"

Tila tumutugma ang sinasabi ng dalawang paranormal experts na sina Ana Dela Cruz at Ed Caluag kung saan isang babae di umano ang gumagambala sa pansamantalang opisina ng 'Wanted sa Radyo.'

Ayon naman sa audio engineer na si Mark Yulo, boses ng isang babae ang nahagip sa mga video subalit malaki ang posibilidad na ito ay mula sa party line gayung tumatawag sa iba't ibang mga panauhin ang staff ng programa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel