59-anyos na vlogger, nagpasalamat sa netizen na naging daan ng pagdami ng kanyang subscribers

59-anyos na vlogger, nagpasalamat sa netizen na naging daan ng pagdami ng kanyang subscribers

- Matapos na mag-viral, agad na dumami ang mga YouTube subscribers ng vlogger na si Bike Camper JBelo

- Ito ay dahil sa netizen na si Joseph Allain Eliseo na siyang nag-post ng larawan ng vlogger na namimigay pala ng mga laruan sa mga batang lansangan

- Dahil dito, umabot na sa mahigit na 200,0000 ang subscribers ni JBelo kaya naman walang hanggang ang pasasalamat niya kay Joseph

- Nagpasalamat din siya sa mga netizens na nag-subscribe sa kanya at ipinangako niyang ipagpapatuloy niya ang pagtulong sa mga batang lansangan lalo na ngayong panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

59-anyos na vlogger, nagpasalamat sa netizen na naging daan sa pagdami ng kanyang subscribers

Joey Belo (Screengrab Bike Camper JBelo Facebook)
Source: Facebook

Umaapaw ang pasasalamat ng vlogger na si Bike Camper JBelo dahil matapos na mag-viral ang kanyang mga larawan, biglang dami ang mga subscribers ng kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na ang netizen na ito ay si Joseph Allain Eliseo na minsang nadaanan ng 59-anyos na vlogger at nabigyan ng flyer nito na nagsasabing "Watch!!! my vlog Bike Camper JBelo."

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Sa post ni Joseph, sinabi nitong humanga siya sa adbokasiya ng vlogger na ang motibo ay ang makapagpasaya ng mga street children lalo na ngayong pandemya.

Dahil dito, nai-post niya ang larawan ng vlogger upang makahikayat pa ng iba na mai-like ang channel nito.

Ang posible kasi niyang kitain ay siyang pantustos niya sa pamimigay ng laruan sa mga batang lansangan.

Sa kanya mismong YouTube channel, nagpasalamat si Bike Camper JBelo sa lahat ng mga nag-subscribe sa na sa kanya.

Ang video na ito ay nai-post dalawang araw lamang mula nang maibahagi ni Joseph ang kanyang kwento at agad na pumalo na sa 48,700 ang kanyang subscibers noong Setyembre 21.

Nang kunan ang naturang video, kagagaling lamang daw noon ng vlogger sa Calamba.

Kwento niya, halos hindi siya makaalis doon dahil sa mga nagpapa-piktur sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

May ilan pang nag-aalok sa kanya ng pagkain at mayroon pa raw grupo ng bikers na inalok siyang doon magpalipas ng gabi.

Walang pagsidlan ang kasiyahan ni JBelo na ang tunay na pangalan ay Joey Belo.

Lahat daw ito ay dahil sa 'nagpakana' nito at ang kanyang tinutukoy ay si Joseph na nagmagandang loob na tulungan siyang mas maparami ang kanyang tagasubaybay.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 200,000 ang subscribers ni JBelo kaya naman ipagpapatuloy pa niya lalo ang pamamahagi ng kasiyahan sa mga batang lansangan sa pamamagitan ng mga ipinamamahagi niyang mga laruan.

Narito ang kabuuan ng kanyang vlog:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Huwag nating kalimutan na maging ang mga kabataan ay nakararamdam din ng hirap na dala ng pandemya. Ito marahil ang dahilan kung bakit naisip ni JBelo na ang mga batang lansangan ang tulungan gayung maging sila ay nahihirapan din sa kasalukuyan nating sitwasyon.

Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

Tulad na lamang ng isa ring batang nag-viral nang mamataan siyang nanonood ng cartoons sa isang smart station sa Maynila kung saan mayroong free wifi. Namangha raw ang netizen na nakakita sa bata na nakahanap ng paraan upang libangin ang sarili sa kabila ng mga nararanasang problema ng kanyang paligid.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel