Willie Revillame, naghahanap ng babaeng co-host sa "Tutok To Win"

Willie Revillame, naghahanap ng babaeng co-host sa "Tutok To Win"

- Naghahanap ng bagong co-host ang kilalang Kapuso host na si Willie Revillame para sa "Tutok To Win"

- Hinikayat ni kuya Wil ang mga kababaihan na mag-audition sa kanilang tanggapan

- Anito, maganda raw itong break lalo pa ang milyon-milyon ang nanonood sa kanyang programa

- Sa ilang taon ni kuya Wil sa industriya ay marami na rin itong nakasama at nakatrabaho sa kanyang programa tulad nina Mariel Padilla, Pokwang, Valerie Concepcion, Herlene Budol o mas kilala bilang si "Hipon Girl" at iba pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naghahanap ng bagong babaeng co-host ang kilalang host na si Willie Revillame na makakasama nito sa kanyang programang "Tutok To Win".

Sa isang episode ng Tutok to win, sa Wowowin, hinikayat ni kuya Wil ang mga kababaihan na mag-audition sa kanilang tanggapan.

3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo
Willie Revillame, naghahanap ng babaeng co-host sa "Tutok To Win"

Screen grab from Wowowin
Source: Facebook

Dagdag pa nito, isa raw itong magandang break para sa mapipili lalo pa at napapanood ang programa niya ng milyon-milyong Filipino.

"Naghahanap ako ng co-host. 'Yung bata, maganda. Break mo na 'to," anito.

"Break mo na 'to, everyday pinanonood ka ng buong mundo. Sa social media 18 million ang nanonood sa'yo. Sa buong Pilipinas at sa buong mundo, kita mo na. Mag-audition kayo, co-host. Hahanap ako ng Shopee girl," dagdag pa ng batikang host.

Sa ilang taon ni kuya Wil sa industriya ay marami na rin itong nakasama at nakatrabaho sa kanyang programa tulad nina Mariel Padilla, Pokwang, Valerie Concepcion, Herlene Budol o mas kilala bilang si "Hipon Girl" at iba pa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naging co-host din nito ang komedyanteng si Super Tekla ngunit biglaan din ang pagkawala nito sa programa.

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Nilinaw naman ni kuya Wil ang tungkol dito at sinabing hindi niya inalis si Super Tekla.

Kamakailan ay muling nagkaharap ang dalawa nang mag-guest ang komedyante sa programa ni kuya Wil.

Sa kabila ng isyu sa pagitan ng dalawa ay nangako pa ng tulong ang host kay Super Tekla.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Wilfredo Buendia Revillame o mas kilala bilang si Willie Revillame ay kilalang host, singer, songwriter, businessman, actor, at comedian sa bansa.

Ipinanganak ito noong January 27, 1961 sa Cabanatuan City. Mayroon itong dalawang anak, sina Meryll Soriano at Juan Emmanuel Revillame.

Kamakailan lang ay nag-viral ang gwapo nitong apo na si Elijah, ang anak ng kanyang anak na si Meryll.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel