Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

- Sinupalpal ni Marjorie Barretto ang dating newscaster at TV host na si Jay Sonza

- Ito ay kaugnay sa inilabas nitong maling balita tungkol sa anak niyang si Julia Barretto

- Matatandaang kinumpirma pa ni Sonza na totoo umano ang impormasyong kanyang inilabas

- Pormal nang nagsampa ng kaso si Julia upang mabigyan umano ng leksiyon ang mga taong nagpapakalat ng fake news

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binanatan ni Marjorie Barretto si Jay Sonza hinggil sa nilabas nitong impormasyon kaugnay sa umano'y pagbubuntis ng anak niyang si Julia Barretto.

"Yung pagka-iresponsable mo lang Mr. Sonza sobra eh, hindi ka man lang nagtanong sa mga malalapit sa buhay niya," ani Marjorie sa isang panayam ni MJ Felipe sa TV Patrol.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

Ani Marjorie, may pagka "baboy" ang estilo ng pagkumpirma nito ng impormasyon na kanyang ibinahagi sa kanyang social media account.

“Walang pinanggalingan yung sinasabi po ninyo. Ang pagkaka-confirm pa ninyo eh baboy yung style."

Inalmahan din ni Marjorie ang pamababastos nito sa anak niya. "Di niyo na nirespeto yung pagkababae niya at saka bata. Nakakasira kayo ng pagtratrabaho ng bata.”

Tinuluyan nang sinampahan ng reklamo ng aktres si Sonza upang mabigyan umano ito ng leksiyon.

“Andami ko na ring kasing pinagdaanan, ang dami ko na ring pinalampas lalo na sa social media, binastos na yung reputation ko, yung pangalan ko. You know, I think I just want to show people now na hindi ko na pinapalampas yung mga bagay na ganito,” ani Julia.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Photo from @juliabarretto/Instagram
Source: Instagram

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng Kokey sa ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula.

Ana Dela Cruz to Raffy Tulfo: "Babae po yung bumubulong sa videos"

Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, at Vince and Kath and James.

Matapos magsampa ng reklamo sa NBI, marami sa mga kasamahan ni Julia sa showbiz ang nagpahayag ng pagsuporta sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel