BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan

- Patuloy ang pagkukuwento ni BB Gandanghari ng kanyang nakaraang relasyon sa isang sikat na aktor na kanyang tinago sa pangalang Jonathan

- Ibinahagi niya ang naging masayang pagsasama nila na kanyang tinawag na "honeymoon time" nila

- Maging ang ilang litrato ni Rustom na si Jonathan umano ang kumuha ay kanyang ibinahagi sa kanyang mga tagapanuod

- Gayunpaman, hindi din nagtagal at unti-unting napadalas ang pagtatalo umano nina Jonathan at ni David (Rustom)

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa Chapter 13 ng paglalahad ni BB Gandanghari ng kanyang kwento, itinuloy niya ang pagkukuwento ng naging karanasan ni David (Rustom) at Jonathan (sikat na aktor).

Ayon sa kanya, naging opisyal na makarelasyon sila ni Jonathan noong Mayo ng 2001. Ipinakita niya rin ang ilang mga litrato ni Rustom na ayon sa kanya ay mula sa mga kuha ni Jonathan.

Bea Alonzo, Hindi inalis sa kanyang bahay ang regalo ni Zanjoe Marudo sa kanya

Dito na umano naganap ang mga intimate moments nila nang magkita sila sa Singapore.

Aminado siyang may nararamdaman na siya para kay Jonathan noong mga oras na iyon.

Kasunod nito ay idinetalye ni BB ang tatlong buwang relasyon nina David at Jonathan.

"It was... it will be three months of a life-changing experience for David from then on. So they became together from that time. So, they started a relationship that night," pagkukuwento ni BB.

Naging malalim ang kanilang relasyon hanggang sa hindi na umano namalayan ni David na na hindi niya alam na padilim na padilim yung corner na pinapasok niya.

Gayunpaman, napawi ang kanilang masayang pagsasama nang unti-unti nang napadalas ang kanilang pagtatalo noong September ng 2001.

Hanggang sa tumawag umano si Jonathan kay David habang nasa isang taping at sinabi ang problema kaugnay sa kanyang ex.

BB Gandanghari, binalikan ang naging "honeymoon period" nina David at Jonathan

Photo from Instagram account of BB Gandanghari
Source: Instagram

Ikinadismaya ito ni Rustom dahil tapos na umano iyon at hindi na dapat nakakaapekto sa kanila yun.

Chie Filomeno, ipinaliwanag kung bakit siya umaalma sa mga bashers

Nangako si BB na ipagpapatuloy niya sa Episode 14 ang mga nangyari dahil tulad ng pag-atake ng mga terorista sa Amerika noong September 11, naging makasaysayan din para kay David ang nabanggit na petsa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Binibini Gandanghari ay isang Filipino transgender actress, model, entertainer, comedian, at director. Siya ang nakakatandang kapatid ng aktor na si Robin Padilla.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang muling naging usap-usapan si BB matapos maibalitang kinailangan siyang isugod sa ospital dahil sinaktan siya ng kanyang katrabaho.

Inalmahan ni BB ang pagtawag sa kanya ng Rustom at pag "misgender" sa kanya ng sikat na showbiz writer na si Ricky Lo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Sharee Roman, naging daan upang maipaliwanag ni Ed Caluag ang mga 'bulong' sa RTIA

Source: Kami.com.ph

Online view pixel