Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

- Ginulat ni Janella Salvador ang mga netizens sa kanyang ibinahaging litrato sa Instagram

- Hindi kagaya sa mga karamihan sa mga unang litrato niya na naibahagi sa social media, mas kita ang ibang bahagi ng kanyang katawan sa kanyang pinakahuling post

- Ito ay sa gitna ng usap-usapang buntis umano siya at ang kanyang boyfriend na si Markus Patterson, ang sinasabing ama ng kanyang pinagbubuntis

- Nanatiling tikom ang bibig ng magkasintahan hinggil sa isyu na lumabas matapos nilang aminin ang tungkol sa kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang ginulat ni Janella Salvador sa kanyang ibinahaging picture sa kanyang Instagram account. Hindi inaasahan ng karamihan na magbabahagi siya ng litrato na kita ang kanyang katawan na kahit papaano hindi kagaya sa mga naunang naibahagi sa social media na naka-focus lamang sa mukha nito.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante

Tila hindi apektado ang aktres at nag-eenjoy sa kanyang mapayapang buhay sa London, United Kingdom.

"Peaceful mornings with fresh strawberries and english tea" ani Janella kalakip sa kanyang litrato na naka suot ng robe at kumakagat sa strawberry habang hawak ang isang cup ng tea.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa kanyang pagbubuntis matapos aminin nila ni Markus Patterson ang tungkol sa relasyon nila kamakailan.

Kasunod nito, namataan ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio at kapatid nito na kasama ni Markus sa bahay nito sa London kung saan nakatira ang kanyang ama.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Photo from @superjanella/Instagram
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilang online entertainment news site din ang nagbalita at nagkumpirma na totoo ngang buntis ang aktres.

Ella Cruz, sumemplang sa big bike habang nasa training

Gayunpaman, nanatiling tikom ang bibig ng kampo nila Janella at Markus hinggil sa isyu.

Si Janella Salvador ay nakilala sa kanyang husay sa pag-awit at sa pag-arte. Naipareha siya kay Elmo Magalona sa teleseryeng Born For You.

Gayunpaman, hindi naging maganda ang kinalabasan ng kanilang relasyon matapos sabihin ni Janella na sinaktan umano siya ni Elmo. Nagkatampuhan din si Janella at ang ina nito noong panahong napapabalitang si Elmo ang kanyang karelasyon.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang isyu tungkol sa aktres at dating P.A. nito matapos mag post sa social media ang sinibak niyang PA at dumulog sa programa ni Raffy Tulfo.

Ipinagtanggol naman ni Markus ang aktres sa pamamagitan ng pagbahagi ng kanyang pananaw tungkol sa isyu ng pagkakatanggal ng isang empleyado.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel