Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

- Makalipas ang halos isang buwan, ibinahagi ng YouTube channel ni Emman Nimedez ang pinakahuling vlog niyang nagawa

- Agosto 16 nang pumanaw ang isa sa kilalang vlogger sa bansa dahil sa isang uri ng leukemia

- Sa video, ipinakita ni Emman kung paano niya pilit na nilalabanan ang kanyang kakaibang kondisyon na kumitil sa kanyang buhay sa maagang panahon

- Mayo ng taong kasalukuyan nang ma-diagnose si Emman ng acute myeloid leukemia at sumakabilang buhay siya makalipas lamang ang tatlong buwan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Last vlog ni Emman Nimedez, ibinahagi ng kanyang YouTube channel

Emman Nimedez (Photo from Emman Nimedez Facebook)
Source: Facebook

Mabilis na ang-viral ang pinakahuling video ng namayapang vlogger na si Emman Nimedez sa kanyang YouTube Channel.

Nalaman ng KAMI na ito may pamagat itong "Last vlog" at habang sinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa halos 1.5 million views mula nang mai-post ito noong Setyembre 25.

Vlogger na di umano'y tinawag na retokada si Xyriel Manabat, nag-sorry

Sa huling vlog ni Emman, kapansin-pansing hindi pa rin nawawala ang pagiging masayahin nito sa kabila ng pakikipaglaban niya noon sa sakit na acute myeloid leukemia.

Buong tapang na ipinakita ni Emman ang ilang mga kaganapan sa pamamalagi niya sa ospital kung saan kasa-kasama niya ang kanyang kasintahang si Peachy.

Pinaliwanag ni Emman na nanumbalik kahit na paano ang kanyang kalakasan nang panahong iyon kaya naman noon lamang siya nakapag-vlog.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Aminado siya nang isugod siya noon sa ospital ay hinang-hina pa siya at ang paghawak ng camera o cellphone ay hindi niya magawa.

Ipinakita rin niya ang kanyang ulo na nalagasan na ng buhok dahil sa chemotherapy niya.

"Ngayon kasi talagang nakatatak na sa isipan ko na bawat araw na dadaan ay talagang blessing lalong lalo na sa akin.. wala namang kasiguraduhan dito sa mundong 'to," na aminadong naging emosyonal dahil sa kanyang pinagdaraanan.

"Ang saya-saya ni Lloyd," BFF ni Lloyd Cadena, ibinahagi ang panaginip

Nasambit din niyang kaya niya ito ibinahagi sa kanyang followers ay upang makasama raw ang mga ito sa kakaibang trip na ito sa kanyang buhay. "Hindi ko naman kayo bibiguin," aniya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayo 17 nang ma-diagnose si Emman ng sakit na isang uri ng leukemia. Subalit makalipas lamang ang tatalong buwan mula nang malaman ang kanyang kalagayan, binawian na rin siya ng buhay.

Isa sa mga kilalang Pinoy YouTuber ng bansa si Emman Nimedez. Bukod dito isa rin siyang direktor ng short films at lumabas na rin siya sa isang palabas sa telebisyon at pelikula. Singer at songwriter din siya kaya naman marami ang nanghihnayang sa maaga niyang pagkawla dahil sa marami itong talentong maari pa sana niyang maibahagi sa mundo ng entertainment.

Tulad ni Emman, isa rin ang Pinoy vlogger na si Lloyd Cadena ang maagang pumanaw kamakailan dahil sa atake sa puso.

Estudyante, naglabas ng saloobin tungkol sa pagdalo ng kanilang online class

Kasalukuyan noong naka-confine sa ospital si Lloyd na kilala rin sa tawag na "Kween LC" dahil nagpositibo ito sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel