Joross Gamboa, kinagiliwan ng netizens matapos magbahagi ng parenting tips

Joross Gamboa, kinagiliwan ng netizens matapos magbahagi ng parenting tips

- Marami ang naaliw sa mga ibinabahaging mga litrato at video ni Joross Gamboa sa social media

- Kadalasan sa kanyang ibinabahagi ay mga litrato ng kanilang pamilya at kaniyang dalawang anak

- Kamakailan, ibinahagi niya ang dalawa sa tingin niya ay pinakamahalagang tip sa pagiging magulang

- Kinabiliban din ng mga netizens ang mga simpleng bagay na itinututro ng aktor sa kanyang mga anak kagaya na lamang ng paggamit ng poso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Para kay Joross Gamboa, dalawa ang pinakamahalagang bagay ang dapat isaalang-alang upang ma-enjoy ng mga magulang ang parenting.

Aniya isa sa mga ito ay ang pagbibigay ng oras para sa mga anak upang magkaroon ng quality time dahil mabilis lang dumaan ang panahon.

Photo from @joross_gamboa/Instagram

Joross Gamboa, kinagiliwan ng netizens matapos magbahagi ng parenting tips
Source: Instagram

"Sa Lahat ng mga magulang tandaan natin napakabilis lang ng panahon. Spend as much time with your Family. Dahil lumilipad ang Oras. Thats why me and @katz_gamboa make sure na we Always spend Quality time with @jacekylergamboa @johnkodygamboa," ani Joross.

Magkapatid na bumili ng pa-birthday sa kanilang ina, umantig sa puso ng netizens

Ang pinakamahalaga umano ay ang maturuan ang mga anak kung paano magkakaroon ng personal na relasyon sa Panginoon.

"At pinaka importante at pinakamagandang maipapamana natin sa mga anak natin ay Ang Makilala at mag karoon sila ng Personal Ralationship ni God. Kapag nagawa na natin yun nagapanan na natin ang isa sa mga Purpose natin sa mundong eto!" dagdag pa ni Joross.

Ibinahagi niya rin ang mga simpleng bagay na kanyang tinuturo sa kanyang anak kagaya na lamang ng paggamit ng poso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Joross Gamboa ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest kung saan kasabay niya sina Sandara Park, Roxanne Ginoo at Hero Angeles.

Sa paglipas ng panahon, nanatili ang pagiging malapit ni Joross sa ngayo'y K-pop star na si Sandara Park.

College instructor, matiyagang tinawid ang sapa makapaghatid lang ng learning modules

Ikinasal siya sa asawang si Kathy Kimberly Saga at nabiyayaan ng dalawang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan, naging usap-usapan ang naging pahayag ni Joross tungkol sa bagong serye ni Julia Montes matapos ang mahabang panahon na hindi ito gumagawa ng serye.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel