Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang sosyaling bahay sa pamamagitan ng isang virtual home tour

Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang sosyaling bahay sa pamamagitan ng isang virtual home tour

- Ibinahagi ni Bea Alonzo ang isang home tour para sa kanyang mga tagasubaybay sa kanyang YouTube Channel

- Naging tahanan niya ang nasabing bahay sa loob ng walong taon at itinayo noong 2012

- Sa unang bahagi ng kanyang home tour, ipinakita ni Bea ang kanyang office, living room, lanai, powder room at kusina

- Kwento pa ni Bea, marami siyang magandang alaala sa kanyang bahay dahil dito ginanap ang mga pagtitipon at pagsasama-sama nila ng kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi ni Bea Alonzo ang ilang bahagi ng kanyang tahanan. Sa kanyang YouTube video na ibinahagi sa kanyang YouTube account, ikinuwento ni Bea na nagsilbing tahanan niya iyon sa loob ng walong taon.

Matapos itong itayo noong 2012, may mga ginawang pagbabago sa kanyang mga furniture nitong nakaraang taon.

Bea Alonzo, Hindi inalis sa kanyang bahay ang regalo ni Zanjoe Marudo sa kanya

"This has been my home for the past eight years, and it looks so different from how it looked like back when we just built it. It evolved, just like myself. I am thrilled that I’ll be able to share it with you, finally. Thank you for watching my house tour. Watch out for the next part!" ani Bea sa caption ng kanyang video.

Ilan sa mga ipinakita ni Bea ay ang kanyang office, living room, lanai, powder room, at kitchen.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng netizens sa kanyang house tour vlog:

Other celebrities showcase their closets while Bea takes pride of her pantry.
Bea is beautiful inside and out.. She is so gorgeous and Classy.. Her personality manifest in her home.. She is very organised in everything.. She has a good eyes on Arts and Painting , she support Filipino artist. Her good quality is kindhearted and humbled heart despite her success and fame. You deserve all the blessings
Chie Filomeno, ipinaliwanag kung bakit siya umaalma sa mga bashers
A huge fan of her and how independent she is, working her way up na alang tinatapakan na tao. You’re doing greatness Ms.Bea. Keep it up.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Photo: @beaalonzo/Instagram

Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang sosyaling bahay sa pamamagitan ng isang virtual home tour
Source: Instagram

Si Phylbert Angelie Ranollo Fagestrom o mas kilala sa kanyang screen name na Bea Alonzo ay isang aktres, host at singer. Marami sa kanyang ginawang mga pelikula ang pumatok sa takilya kagaya na lamang ng The Mistress, Eerie, Unbreakable at marami pang iba.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sa gitna ng pandemya, ibinahagi kamakailan ni Bea ang kanyang bagong nakakahiligang gawin. Isa din siya sa mga artistang aktibong tumulong sa mga apektado ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel