Landlady, pinahihiram pa rin ng pangkain ang mag-asawang di nakakabayad ng upa

Landlady, pinahihiram pa rin ng pangkain ang mag-asawang di nakakabayad ng upa

- Kahanga-hanga ang landlady ng tinutuluyan ng construction worker na di raw pinasasahod ng kanilang kompanya

- Kahit hindi pa nakababayad ng upa ang trabahador, pinahihiram pa rin siya ng landlady nila ng pagkain o pambili nito

- Malaki nga raw ang pasasalamat ng construction worker sa kanyang landlady dahil sa kabutihan nito sa kanilang mag-asawa

- Hindi man daw sila kadugo ng mga ito ay hindi rin sila pinababayaan sa pang araw-araw lalo na ngayong pandemya na tila mas mahirap ang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Landlady, pinahihiram pa rin ng pangkain ang mag-asawang di nakakabayad ng upa

Landlady (Photo from Pixabay)
Source: UGC

Naikwento ng construction worker na si Reynan ang kabutihan ng kanyang landlady kahit pa hindi sila makabayad sa ngayon ng upa sa kanilang tinutuluyan.

Nalaman ng KAMI na dumulog ang grupo ni Reynan sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' upang ireklamo ang kompanyang pinapasukan nila.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Bukod kasi sa hindi sila maayos na pinasasahod, wala rin silang benepisyong natatanggap.

Lalo na ngayong panahon ng pandemya, hindi pa umano sila nasahuran ng isang buwan kaya naman ninais nilang maghanap na lamang ng ibang malilipatang site.

Isa si Reynan sa mga namomroblemang construction workers na halos hirap na ring maitawid ang pangaraw-araw.

Subalit dahil nakahiwalay ito sa iba niyang kasamahan, sinadya rin ito ng staff ni Tulfo upang makapanayam.

Nadatnan nila si Reynan at ang misis nito na buntis pa. Namomroblema talaga ang trabahador dahil may mga anak din siyang binubuhay na kasama ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Wala na rin siyang maipadala sa mga ito gayung hindi pa niya natatanggap ang kanilang sahod.

Dahil dito, hindi rin sila nakakabayad ng upa na P2,000 kada buwan sa kanilang tinitirahan.

Ngunit ang nakamamangha dito, ang mismong landlady pa rin ang nagpapahiram sa kanilang mag-asawa ng pangkain.

25-anyos na call center agent, nakapagpundar na ng bahay sa loob ng apat na taon

Nahihiya na nga raw si Reynan sa landlady ngunit sadyang napakabuti raw nito.

Kahit daw kasi hindi nila ito kadugo, hindi pa rin sila pinababayaan at nauunawaan naman daw nito ang kalagayan nilang mag-asawa ngayong pandemya.

Umabot na ng mahigit P6,000 ang pagkakautang ni Reynan sa pagkain pa lang nilang mag-asawa at ito naman ay mababayaran sa tulong ni Raffy Tulfo.

Kwento naman ng landlady, sadyang siya ang takbuhan ni Reynan tuwing kinakapos ito sa mga gastusin.

Pinasalamatan ng staff ni Tulfo ang landlady dahil bibihira raw ang mga tulad nito na bagaman at nararanasan din ang krisis bunsod ng pandemya ay nagawa pa ring tumulong sa mas higit na nangangailangan.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tunay na kahanga-hanga ang ginagawa na ito ng landlady ni Reynan na imbis na gipitin pa iyong taong alam niyang kapos, mas pinili pa rin niyang tulungan ito.

Balut na bigay ng BF, naging alagang bibe ng kanyang nobya

Tulad na lamang ng isa ring may-ari ng paupahan sa Batangas na bukod sa hindi paniningil ng upa sa loob ng tatlong buwan, binigyan pa niya ng tig-iisang sakong bigas ang bawat pinto ng kanilang paupahan.

Subalit ang ilan, kabaliktaran naman ang nararanasan na dahil sa hindi na nakakabayad sa upa, sapilitang pinalalayas sa kanilang tinitirahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel