Exclusive: Xyriel Manabat, hindi matanggap ang pag-shut down sa ABS-CBN

Exclusive: Xyriel Manabat, hindi matanggap ang pag-shut down sa ABS-CBN

- Si Xyriel Manabat ay nakipag-usap sa KAMI ukol sa iba’t-ibang isyu sa kanyang buhay at sa mundo ng showbiz

- Nag-salita si Xyriel ukol sa kontrobersyal na pagpapasara sa ABS-CBN dahil sa franchise renewal issue nito

- Hindi raw siya makapaniwala nang ipatanggal sa telebisyon at radio ang Kapamilya Network

- Sinabi rin ng teen star na hindi niya matanggap ang nangyari pero umaasa pa rin siyang babalik isang araw ang ABS-CBN sa TV at radio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Exclusive: Xyriel Manabat, hindi matanggap ang pag-shut down sa ABS-CBN

Photo from Xyriel Manabat's Instagram account
Source: Instagram

Si Xyriel Manabat ay eksklusibong nakapanayam ng KAMI ukol sa iba’t-ibang isyu sa kanyang buhay at sa mundo ng showbiz.

Isa sa mga topics na pinag-usapan ay ang kontrobersyal na pagpapasara sa ABS-CBN dahil sa franchise renewal issue nito.

Ayon kay Xyriel, hindi raw siya makapaniwala nang ipatanggal sa telebisyon at radio ang Kapamilya Network.

Dagdag pa niya, hindi niya rin matanggap ang nangyari pero umaasa pa rin siyang babalik isang araw ang ABS-CBN sa TV at radio.

Mayor Vico Sotto, nilinaw ang tungkol sa engkwentro sa 1 negosyante
“Nung una po hindi po talaga ko naniniwala last month lang po ko natauhan.
“And hindi po madali at ayoko po tanggapin. I’m still hopeful po,” sinabi ni Xyriel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Sa Instagram ay nag-post din si Xyriel ukol sa pag-suporta niya sa Kapamilya network.

“12 years ago nagkaroon ako ng pagkakataon na mapabilang sa mga batang nagantimpaalan ang pangarap... mula sa pag eextra na batok, likod, buhok, paa lang ang kita hanggang sa nabigyan ng mga linya, lagpas po sa kalahati ng taon ng buhay ko ang pagiging parte ng ABS-CBN.
“Mas kilala ko ng ibang tao bilang Momay, Agua o Bendita, Ana Manalastas, o ‘siya yung nasa Wansapanataym’ kesa sa totoo kong pangalan. Marami po akong natutunan sa loob ng industriya na sa maagang edad ko po nasagap. Mga aral at experience na alam ko po sa sarili ko hindi ko matututunan sa labas ng industriya. Totoo po na wala ako sa kung nasan ako ngayon, kami ng pamilya ko, kung di po dahil sa ABS-CBN.
Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan
“Salamat po! Buong puso po akong nagpapasalamat at buong buhay ko po dadalhin ang mga experience, aral, saya, iyak, at mga alaalang nabuo sa ABS-CBN. Mula pagkabata hanggang ngayon, at hanggang sa pagtanda ko po babaunin ko po lahat ng yun. Isang karangalan na masabi ko pong ako ay kapamilya,” isinulat ni Xyriel sa Instagram.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Xyriel Manabat, o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol taong 2009, kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Bilang isa sa pinakasikat na child star, naging matunog pa rin sa publiko ang kanyang pangalan kahit pa matagal na siyang hindi napapanood sa telebisyon.

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Si Xyriel ay umani ng papuri ilang buwan na ang nakakaraan dahil nagtapos siya sa high school. Ayon sa kanyang Instagram post, sa Golden Faith Academy siya nakapagtapos.

Kamakailan lang ay nag viral din ang kanyang ibinahaging picture sa social media. Maraming netizens ang natuwa dahil dalaga na ang dating sikat na child star.

Sa nakaraang report ng KAMI, pinag-usapan din ang pambabastos na ginawa ng ilang netizens sa social media photos ni Xyriel. Ayon sa teen star, apektado at hindi natuwa ang kanyang pamilya sa ginawa ng bastos na netizens.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel