Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

- Hindi napigilan ni Ogie Diaz na maghayag ng kanyang matapang at prangkang opinyon hinggil sa isyu ni Jay Sonza

- Ito ay kaugnay sa pagpapalabas niya ng balitang buntis umano si Julia Barretto at si Gerald Anderson ang ama ng kanyang ipinagbubuntis

- Bunsod nito nagsampa ng reklamo ang aktres sa NBI laban sa dating broadcaster

- Matatandaang isa din si Ogie Diaz sa mga binatikos ni Jay at tinawag pang "asymptopangit"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang kanyang reaksiyon hinggil sa pagpapalabas ng dating broadcaster na si Jay Sonza ng balitang buntis umano si Julia Barretto at si Gerald Anderson ang ama.

Sa kanyang vlog na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube acount na Ogie Diaz Showbiz Update, hindi itinago ni Ogie ang kanyang pagkadismaya kay Jay na ayon sa kanya ay tumatandang paurong.

Marjorie Barretto, binanatan si Jay Sonza kaugnay sa nilabas nitong balita tungkol sa anak

Matapos kumalat ang inilabas na balita ni Jay na kanyang ibinahagi sa kanyang Facebook account, napagpasyahan ng kampo ni Julia na turuan ng leksiyon ang dating broadcaster.

Naghain ng pormal na reklamo si Julia sa NBI sa kabila ng pagpost ng paghingi ng pasensya ni Jay sa social media.

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto

Photo from Facebook: Ogie Diaz
Source: Instagram

Para kay Ogie, dapat ay inamin ni Jay ang pagkakamali at deretsahang humingi ng dispensa kay Julia at maari pa umanong napatawad siya nina Julia at ng ina nitong si Marjorie Barretto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Payo naman ni Ogie, dapat ay nag-iiwan ng legacy ang dating broadcaster at huwag mag-iwan ng masamang imahe.

Matatandaang nagkasagutan din sina Jay at Ogie sa social media matapos batikusin ng dating broadkaster si Ogie. Tinawag nitong "asymptopangit" si Ogie.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

Matatandaang inalmahan niya ang panlalait ni Atty. Topacio kay Angel Locsin kaugnay sa katawan nito. Nagsalita din siya laban sa ilang konggresistang nagplanong i-take over ang ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel