Ogie Diaz, ibinunyag ang pag-reach out ng netizen na dinemanda ni Liza Soberano

Ogie Diaz, ibinunyag ang pag-reach out ng netizen na dinemanda ni Liza Soberano

- Ibinunyag ni Ogie Diaz na sinubukan siyang makausap ni Melissa Olaes kaugnay sa isyung kinasangkutan nito

- Si Melissa ang netizen na denimanda ni Liza Soberano kaugnay sa pahayag nito laban sa aktres

- Sa pamamagitan ng common friend nilang dalawa ni Ogie, pinaabot ng netizen na gusto nitong makausap si Ogie

- Gayunpaman, hindi na rin natuloy ang kanilang pag-uusap matapos lumabas ang pahayag ng netizen kaugnay sa isyu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Ogie Diaz ang pag-reach out umano sa kanya ng netizen na dinemanda ni Liza Soberano kaugnay sa kontrobersiyal na komento nit sa aktres.

Bilang manager ni Liza, nais umano nitong magpaliwanag kay Ogie. Isang common friend ang nagpaabot ng kanyang mensahe kay Ogie. Gayunpaman, matapos mabasa ni Ogie ang pahayag nito sa social media kaugnay sa isyu, nadismaya ito na hindi man lamang nabanggit ang pangalan ni Liza na siyang direktang apektado ng kanyang naging pahayag.

Ogie Diaz, pinayuhan si Jay Sonza kaugnay sa paglabas nito ng balita tungkol kay Julia Barretto
Ogie Diaz, ibinunyag ang pag-reach out ng netizen na dinemanda ni Liza Soberano

Photo from Facebook: Ogie Diaz
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Paglilinaw ni Ogie, maging si Liza ay hindi nanaisin ang kahit sino na magahasa kaya sana ay magsilibing aral ang nangyari.

Ayon pa kay Ogie, may mga ilang empleyado din ng internet service provider kung saan nagtatrabaho si Melissa Olaes ang bumabatikos kay Liza. Inudyukan ni Ogie ang mga ito na itigil na ang pambabatikos sa aktres at pagtuunan na lamang ng pansin ang kanilang trabaho.

Dagdag pa niya, hindi nakakaganda sa kanilang kumpanya ang ginagawang ito ng kanilang empleyado.

Matatandaang inilabas ni Liza ang kanyang hinaing sa pamamagitan ng social media patungkol sa mabagal na internet connection at hindi magandang costumer service ng nasabing internet service provider.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Super Tekla, ikinuwento ang karanasan na matulog sa ilalim ng tulay

Sinagot ng isa pang internet service provider ang naging hinaing ni Liza at kinabitan ito ng mas maayos na internet connection na ikinatuwa ng aktres.

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Nadiscover si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Matapos mag-viral ang kanyang reklamo, lumabas ang isang pahayag ng netizen na si Melissa Olaes na isang empleyado ng Converge ICT Solutions. Hindi ito pinalampas ni Liza at tuluyang idenimanda kamakailan.

Naglabas naman ng pahayag ang Converge kaugnay sa isyu at nagsabing hindi nila kinukonsinte ang naging asal ng kanilang empleyado.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel