Chie Filomeno, ipinaliwanag kung bakit siya umaalma sa mga bashers

Chie Filomeno, ipinaliwanag kung bakit siya umaalma sa mga bashers

- Bilang isang artista, isa si Chie Filomena sa mga naging biktima ng masasakit na komento ng ga bashers

- Gayunpaman, kilala siya sa kanyang pagiging palaban at pagsupalpal sa kanyang mga bashers

- Ibinahagi niya ang isa sa pinakamasakit na sinabi sa kanya ng mga bashers

- Aniya, kaya siya nagre-react dahil ayaw niyang isipin ng mga tao na ayos lang sa kanya ang mga ganitong bagay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Chie Filomena ang kanyang saloobin hinggil sa mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya sa social media.

Sa isang panyam ni DJ Jaiho sa aktres nitong September 24, inamin niyang nasasaktan din siya sa mga below the belt na mga komento kahit pa hindi na ito bago sa kanya bilang isang artista.

“What you see is what you get eh. Artista kami pero at the end of the day, tao pa rin kami. Nasasaktan pa rin kami sa sinasabi ng tao specially pag below the belt na. For me, kailangan ko mag-react kasi kailangan nila malaman na hindi kami puwedeng tapak tapakan lang. Ayokong maging normal yung ganun. Maging normal yung pag-bu-bully, na parang yun na din yung new normal, yung pag-bu-bully. So stop na," ani Chiena.

Janella Salvador, nagbahagi ng litrato sa gitna ng kumakalat na balita tungkol sa kanya

Para umano sa kanya, itinuring niyang pinakamalala na isyu ay ang pinaparatangan siyang isang bayarang babae. Aniya, nasasaktan siya lalo at nakikita niyang naapektuhan ang kanyang pamilya.

Chie Filomeno, ipinaliwanag kung bakit siya umaalma sa mga bashers

Chie Filomeno (photo from Instagram: chiefilomeno)
Source: Instagram

Kaya naman, masaya siyang nabigyan siya ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang panig sa pamamagitan ng talk show ni Boy Abunda na Tonight with By Abunda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa lahat ng ibinato sa kanyang intriga, napagtagumpayan niyang harapin ang mga iyon sa tulong ng kanyang pamilya na lagi umanong naka suporta sa kanya.

“Umabot din sa point na deadma na kasi tapos na eh. Nasabi ko na yung side ko. Ang sabi nila mommy at daddy, ‘At the end of the day, andito lang kami for you anak.’ Everyday andito sila. Kung kailangan ko ng help kausapin ko lang sila, ganun. At the end of the day talaga, yung family mo yung nandiyan for you eh. They will listen to everything talaga. Yung parents ko hindi sila more on words, more on actions sila. Kami more on actions talaga so yun yung maganda talaga sa relationship ko with my parents,” paliwanag ng Girltrends member.

Ella Cruz, sumemplang sa big bike habang nasa training

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Chienna Filomeno ay isang modelo at costplayer. Naging bahagi siya ng Girltrends, isang all-girl group na bahagi ng noontime show na It's Showtime.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang di pagkakaunawaan nila ng kasamahang si Dawn Chang. Kinalaunan ay nagsalita si Chie tungkol sa posibilidad ng pagkanilang pagbabati.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel