Magkapatid na lolo at lola na asukal na lang ang inuulam, dinagsa ng tulong matapos mag-viral

Magkapatid na lolo at lola na asukal na lang ang inuulam, dinagsa ng tulong matapos mag-viral

- Matapos na mag-viral ang post tungkol sa magkapatid na matandang ito na naninirahan sa bundok ng Altavas, Aklan

- Isang lalaking nag-census sa lugar ang nakakita ng kalagayan ng magkapatid na noon ay nadatnan pa niyang walang ulam kundi asukal

- Nang mai-post niya ang kalagayan ng magkapatid, unti-unti nang dumarating ang mga tulong para rito at isa sa rumesponde ay ang vlogger sa Aklan na si Archie Hilario

- Hindi lamang grocery items at tulong pinansyal ang matatanggap nito kundi isang munting kubo upang may mas maayos na masisilungan ang lolong nakatira sa sira-sira nang bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Magkapatid na lolo at lola na asukal na lang ang inuulam, dinagsa ng tulong matapos mag-viral

Lolo Gwalberto (Screengrab from Pobreng Vlogger)
Source: UGC

Isa si Archie Hilario o mas kilala bilang si 'Pobreng Vlogger' ang naghatid ng tulong sa magkapatid na si Lolo Gwalberto at Lola Flor ng Altavas, Aklan.

Nalaman ng KAMI na sila ang magkapatid na naninirahan sa bundok na nadatnan ng nag-census sa kanilang lugar at nakitang tanging asukal lamang ang ulam ng dalawa.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Nakunan ng larawan ang kalagayan ng dalawa at naibahagi sa social media kaya naman dinagsa sila ng tulong.

Makikita kasi ang bahay ng ni Lolo Gwalberto na sira-sira at halos gumuho na ngunit doon pa rin niya nais manatili tuwing umaga.

Samantala ang kapatid namn nitong si Lola Flor ay nakatira sa mas maayos na bahay na ipinagawa naman pala ng kanilang kapatid.

Gayunpaman, bakas pa rin ang hirap ng buhay ng dalawa dahil bukod sa malayo ito sa ibang mga kabahayan ay dumarating din sa puntong wala na silang makain.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kaya naman nagmagandang loob ang grupo ni Hilario upang ihatid ang mga tulong na ipinaabot ng mga tagasubaybay nila sa YouTube gayundin ang tulong na galing mismo sa kanilang programa.

Bukod sa bigas at iba pang grocery items, nabiyayaan din ang magkapatid ng nasa ₱8,000.

Vlogger na di umano'y tinawag na retokada si Xyriel Manabat, nag-sorry

Mayroon ding isang negosyante na magbibigay ng bagong kubo na maaring masilungan ni Lolo Gwalberto tuwing umaga kapalit ng sira-sira nitong tambayan.

Labis ang pagpapasalamat ni Lolo Flor sa grupo ni Hilario at noon lamang daw sila nakatanggap ng ganoong mga tulong.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Archie Hilario o si "Pobreng Vlogger" sa Aklan dahil sa pagtulong nito sa mga kababayan niyang higit nangangailan.

Kamakailan, siya rin ang nagbigay tulong sa magsasakang PWD na nag-viral sa kanilang lugar. Humanga sila sa kasipagan nito na sa kabila raw ng kapansanan, tuloy pa rin ang trabaho para sa kanyang ina na siya lamang ang nagtataguyod.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel