Super Tekla, ikinuwento ang karanasan na matulog sa ilalim ng tulay

Super Tekla, ikinuwento ang karanasan na matulog sa ilalim ng tulay

- Puno ng katatawanan ang naging pag-uusap nina Ogie Diaz, Super Tekla at Donita Nose sa isang video na ibinahagi ni Ogie

- Habang sila ay kumakain sa isang seafood restaurant, tinanong ni Ogie Diaz ang dalawa tungkol sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nila

- Inamin ng dalawa na tuluyan na silang wala sa programa ni Willie Revillame na Wowowin

- Isa din sa ibinahagi ni Super Tekla ay ang pagtulog niya sa ilalim ng tulay sa loob ng anim na taon dahil sa pagkalugmok niya sa kanyang bisyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang YouTube video na ibinahagi ni Ogie Diaz, naging guest niya ang Donekla Tandem na binubuo nina Donita Nose at Super Tekla.

Sa nasabing video, isinama ni Ogie ang dalawa sa isang seafood restaurant habang tinatanong sila tungkol sa ilang maiinit na intrigang kinasangkutan nila kagaya na lamang ng kanilang pagkawala sa Wowowin.

Carlo Muñoz, walang pagsisisi sa desisyong iwanan ang mundo ng showbiz

Inamin ng dalawa na tuluyan na silang nawala sa nasabing programa ngunit kahit anong oras naman na tawagin sila ay willing silang bumalik sa show.

Photo from Tekla Librada's Instagram

Super Tekla, ikinuwento ang karanasan na matulog sa ilalim ng tulay
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa din sa ikinuwento ni Super Tekla ay ang pananatili niya sa ilalim ng tulay dahil sa kanyang pagkakalugmok bunsod ng pagkakalulng niya sa kanyang bisyo. Wala din umano siyang ipon.

Dahil wala umano siyang pamasahe, nagawa niyang lumakad mula Parañaque hanggang Quezon City. Ibinahagi niya rin na nasasaktan siya sa mga panghuhusga dahil sa pagkakalulong niya sa bisyo.

Pinilit niyang bumangon at kalimutan ang kanyang bisyo.

Matapos maapektuhan ng pandemya ang kanilang paghahanap buhay, naisip nilang dalawa na pasukin na rin ang paggawa ng mga YouTube videos.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ex-BF na naghahabol sa nagastos kay GF, nasermunan ni idol Raffy Tulfo

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Kamakailan, naging usap-usapan ang isang video na "nagkapikunan" sina Super Tekla at Boobay.

Marami ang lumabas na dahilan kung bakit natanggal si Tekla noon sa wowowin. Isa na sa mga ito ay ang pagkahumaling umano niya sa sugal na kanya ding itinanggi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel