Condo unit ni Tekla, malaki ang pinagbago mula sa dati nitong itsura

Condo unit ni Tekla, malaki ang pinagbago mula sa dati nitong itsura

- Matapos mag viral ang video ng kasalukuyang kalagayan ng condo unit ni Tekla, muling binalikan ng marami ang dating itsura nito

- Matatandaang naipakita sa isang news and current affairs program ng GMA-7 ang condo niya noong isang buwan pa lamang na nakakalipat si Tekla

- Hindi maiwasang ikumpara ang dating itsura nito sa kasalukuyang ayos nito matapos umalis sa nasabing condo ang dating kinakasama ni Tekla at pamilya nito

- Nakatakdang isailalim sa lie detector test si Michelle at kapatid nito upang mapatunayan na totoo ang kanyang alegasyon laban sa komedyante

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umani ng matinding reaksiyon mula sa mga netizens ang video ng condo unit ni Tekla matapos itong iwan ng dating kinakasama nitong si Michelle Bana-ag pati na rin ang kapatid nito at mga pamangkin.

Bukod sa mga nagkalat na basura, umaalingasaw din umano ang amoy ng bahay ayon kay Donita Nose na kaibigan ni Tekla.

Donita Nose, nanggigil sa akusasyong scripted ang vlog nila ni Tekla

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanilang ibinahaging video, tumulong si Donita upang tuluyan nang maayos at malinis ang nasabing condo unit.

Hindi naman mapigilang ihambing ng ilang mga netizens ang anyo ng bahay sa kasalukuyan sa itsura nito nang minsan ay maipakita ito sa news and current affairs program ng GMA-7 na Tunay na Buhay.

Marami ang nawindang sa malaking pagkakaiba nito sa bahay na umano ay iniwan lang ng mga dating kasama ni Tekla sa bahay nang hindi naayos at naliligpit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Condo unit ni Tekla, malaki ang pinagbago mula sa dati nitong itsura

Photo from Donekla Facebook Page
Source: Facebook

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

MUP 2020 Rabiya Mateo, emosyonal na sinagot ang akusasyon laban sa kanya

Kamakailan, naging usap-usapan ang isang video na "nagkapikunan" sina Super Tekla at Boobay.

Marami ang lumabas na dahilan kung bakit natanggal si Tekla noon sa wowowin. Isa na sa mga ito ay ang pagkahumaling umano niya sa sugal na kanya ding itinanggi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel