Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

- Bata pa at malusog ang isang nurse na itinuturing na low-risk sa COVID-19 ang biglaang pumanaw matapos tamaan ng virus

- Ayon sa kapatid nito na isang doktor, maging siya ay nagulat sa 'di pangkaraniwang bilis ng paglala ng kondisyon ng kapatid

- Babala pa nito, huwag balewalain ang nakamamatay na virus na kumitil sa buhay ng kanyang minamahal na kapatid

- Ang nobya naman ng yumaong nurse, labis-labis din ang pagluluksa sa pagkawala ng nobyo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagluluksa ang pamilya at mga ka-trabaho ng nurse na si Joey Ner na pumanaw nito lamang September 23 matapos tamaan ng COVID-19.

Si Joey ay isa sa 90 health care workers na namatay dahil sa virus sa bansa.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

Screen grab from 24 Oras
Source: Facebook

Batay sa report ng 24 Oras, September 16 nang lagnatin si Joey, isang nurse sa East Avenue Medical Center.

Phivolcs, mahigpit na binabantayan ang apat na bulkang may 'abnormal' na kondisyon

Makalipas ang dalawang araw ay sumailalim ito sa mga lab test at lumabas na normal lang ang resulta.

At dahil itinuturing itong low-risk, 30-anyos lang, malusog, walang ibang sakit at walang bisyo, pinayuhan itong mag-home quarantine at nagpa-schedule ng swab test noong September 21.

Pero nang sumapit na ang araw na iyon ay napansin daw ng kapatid nito na si Dr. John Paul Ner na tila hinihingal na ito kaya pinayuhan niya itong magpa-admit.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumailalim si Joey sa proseso kung saan kailangang linisin ang kanyang dugo noong September 23 at kinailangan din daw itong i-intubate.

Ngunit pumanaw din si nurse Joey nang araw na iyon.

Sabi ni Dr. JP, maging siya ay nagulat sa 'di pangkaraniwang bilis ng paglala ng kondisyon ng kapatid.

Babala pa nito, huwag balewalain ang nakamamatay na virus na kumitil sa buhay ng kanyang minamahal na kapatid.

3 estudyante, natagpuang patay; paghihiganti, posibleng motibo

"'Wag silang papakampante. 'Yung COVID kasi, kahit na sinasabi nila na karamihan mild, paano kung severe ang dumapo sa'yo? Katulad niyan, walang nage-expect na ganyan ang mangyayari e. Dapat parati silang nag-iingat," anito.

Ang nobya naman ng yumaong nurse, labis-labis din ang pagluluksa sa pagkawala ng nobyo.

Maging ito ay tinamaan din ng virus at kasalukuyang naka-isolate at nagpapagaling na.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa lamang ang balitang ito tungkol sa mga frontliners na nag-buwis ng kanilang buhay para magampanan ang kanilang tungkulin.

Katulad na lang ng isang doktor na nais pa raw sanang tumulong ngunit pumanaw din matapos tamaan ng sakit.

Isa ring batang nurse mula sa Cabanatuan ang biglaang pumanaw matapos dapuan ng nakamamatay na virus.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel