40 na pasahero ng flight mula Maynila, nagpositibo sa COVID-19 nang dumating sa Davao

40 na pasahero ng flight mula Maynila, nagpositibo sa COVID-19 nang dumating sa Davao

- Nasa 40 na pasahero ng isang flight mula sa Maynila ang nagpositibo sa COVID-19 nang dumating ito sa Davao

- Paliwanag ni Mayor Sara Duterte, dumadami na ang kaso ng COVID-19 sa Davao na galing sa iba’t ibang lugar

- Ngayon, mayroon ng sariling laboratory ang airport sa Davao upang ma-test kaagad ang mga pasaherong kararating lang

- Sabi ni Mayora, maaaring naging asymptomatic ang mga pasahero kaya nakalusot ang mga ito sa NAIA

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilang mga pasahero ng isang flight mula sa Metro Manila ang nagpositibo sa COVID-19 nang dumating ang mga ito sa Davao City.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19 na galing sa ibang lugar.

40 na pasahero ng flight mula Maynila, nagpositibo sa COVID-19 nang dumating sa Davao

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ng GMA News, nasa 40 na pasahero nga ang biglang nagpositibo sa COVID-19 noong dumating sila sa Davao.

Nurse na low-risk sa COVID-19, tinamaan ng virus at biglaang pumanaw

“Lately, many positive cases are arriving. We have seen, from the very start, that allowing plane travel will be a problem. The plane travel could spread COVID-19 virus very fast, so we did a ‘test and wait.’ That’s our intervention,” paliwanag ni Mayor Sara.

Base naman sa ulat ng Manila Bulletin (isinulat ni Antonio Colina IV), mayroon ng sariling RT-PCR laboratory ang airport sa Davao. Kaya naman, habang hinihintay ang resulta ng mga pasehero, dadalhin muna ito sa mga quarantine facility.

“We don’t want them to stay longer there at our airport where they can sit beside a positive case and we don’t know who among them are positive,” sabi ni Mayora.

Sa interview naman ni Mayor Sara sa Davao City Disaster Radio, pinaliwanag niyang maaaring naging asymptomatic ang 40 na pasahero kaya hindi ito na-detect ng thermal scanner sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Liza Soberano, personal nang naghain ng kaso laban sa Converge employee na binastos siya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong ika-25 ng Setyembre, nasa 299,361 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ang 61, 766 naman sa mga ito ay active cases.

Kamakailan nga ay hinimok ni Rep. Mikey Arroyo na ipagpaliban muna ang eleksyon sa 2022 dahil sa banta ng COVID-19 sa bansa.

Subalit, hindi naman sang-ayon ang Palasyo rito dahil malayo pa raw ang 2022 at hindi dapat ginagawang rason ang COVID-19 para kanselahin ang eleksyon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel