Exclusive: Xyriel Manabat, inaming apektado ang pamilya sa bastos na netizens

Exclusive: Xyriel Manabat, inaming apektado ang pamilya sa bastos na netizens

- Si Xyriel Manabat ay nag-viral matapos bastusin ng ilang netizens ang kanyang mga photos sa social media

- Ang aktres ay eksklusibong nakapanayam ng KAMI ukol sa matinding kontrobersyang ito

- Inilahad ni Xyriel na apektado at hindi natuwa ang kanyang pamilya dahil sa pambabastos ng ilang netizens sa kanya

- Ipinaliwanag din ng aktres kung sinu-sino ang maaaring maaksyunan dahil sa pambabastos sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Exclusive: Xyriel Manabat, inaming apektado ang pamilya sa bastos na netizens

Photo from Xyriel Manabat's Instagram account
Source: Instagram

Si Xyriel Manabat ay naging laman ng headlines matapos bastusin ng ilang netizens ang kanyang mga photos sa social media.

Eksklusibong nakapanayam ng KAMI si Xyriel ukol sa matinding kontrobersyang ito.

Ayon sa teen star, apektado at hindi natuwa ang kanyang pamilya dahil sa pambabastos ng ilang netizens sa kanya.

“Iba iba po reaksyon nila e and given naman po na ibat iba rin po ang mindset ng tao kaya mahirap po isa isahin. Pero for sure po hindi po sila natuwa,” sinabi ni Xyriel.
Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Idinetalye rin ng aktres kung sinu-sino ang maaaring maaksyunan dahil sa pambabastos sa kanya.

“By the way, hindi lang po comments pati po captions, edits, and other actions po na considered as sexual harassment po lahat po ng involved po dun haharapin po ang consequences po na nararapat po sakanila at sa actions po nila.
“Together with Star Magic we are already in a process of legal action po kasi po hindi po dapat pinapalampas yung mga gantong bagay po,” dagdag ng aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Xyriel Manabat, o Xyriel Anne Bustamante Manabat sa totoong buhay, ay unang nakilala sa mundo ng showbiz noong sumali siya sa Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol taong 2009, kung saan tinanghal siyang 3rd placer.

Exclusive: Xyriel Manabat, bumwelta sa nagsasabing deserve niyang bastusin

Lalong nakilala si Xyriel dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Ilan sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan ay Agua Bendita, Momay at 100 Days To Heaven.

Bilang isa sa pinakasikat na child star, naging matunog pa rin sa publiko ang kanyang pangalan kahit pa matagal na siyang hindi napapanood sa telebisyon.

Si Xyriel ay umani ng papuri ilang buwan na ang nakakaraan dahil nagtapos siya sa high school. Ayon sa kanyang Instagram post, sa Golden Faith Academy siya nakapagtapos.

Kamakailan lang ay nag viral din ang kanyang ibinahaging picture sa social media. Maraming netizens ang natuwa dahil dalaga na ang dating sikat na child star.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel