Pamana ng isang inang apat na taon nang pumanaw, umantig sa mga netizens

Pamana ng isang inang apat na taon nang pumanaw, umantig sa mga netizens

- Isang nakakaantig na mensahe ang ibinahagi ng isang netizen para sa kanyang ina

- Ito ay matapos nilang matuklasan ang pamanang itinabi ng kaniyang ina bago pa ito pumanaw

- Ibinahagi din ng anak na apat na taon nang pumanaw ang kanilang ina ngunit hindi nila kaagad nalaman ang tungkol sa iniwan nito para sa kanila

- Isang sulat din ang iniwan nito para sa kanyang nais mangyari sa kanyang iniwang pamana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa isang post ng Facebook user na si Tim Salonga. Ibinahagi niya ang tungkol sa natuklasang pamana na kanyang ina na pumanaw apat na taon na ang nakalipas.

Natuklasan nila ang tungkol sa iniwan ng kanilang ina nang maisipan nilang ipauwi na sa kanilang mga tiyahin ang ilang damit ng mama nila.

Habang tumitingin kame sinabi ni Ate sa mga tita ko, "iuwi nyo na ibang damit ni mama dito".

Balut na bigay ng BF, naging alagang bibe ng kanyang nobya

Sa bulsa ng isang lumang damit na nakatago sa loob ng dalawang damit na nakahanger, nakita ang 5,000php, tatlong singsing at isang pares ng hikaw, at sulat na mula sa kanilang ina.

Pamana ng isang inang apat na taon nang pumanaw, umantig sa mga netizens

Photo from Facebook: Tim Salonga
Source: Facebook

Ayon sa sulat, ang perang kanyang iniwan ay para sa pag-aaral nilang magkakapatid.

"Para sa pag aaral ni Tim, Hazel, Herica ang perang ito. Gagamitin nila ito sa pang negosyo nila at paramihin nila ang konting pamana kong ito sakanila at may 3 singsing ito at isang pares ng ikaw (hikaw). Paunlarin niyo ang konting pamana ko sainyo. Salamat mga anak. Mama"

Gayunpaman, hindi pala ito ang perang tinutukoy sa sulat dahil may karugtong pa ang sulat sa likod na bahagi ng papel.

" Tinago ko ito sa makina sa ilalim nya. Kung sino man ang nakakita nito ay ibigay nyo sa mga anak ko. Wag nyong kunin ang hindi para sainyo"

Kaya naman, sinubukan nilang buksan ang lumang makina ng kanilang ina at doon nila natuklasan ang passbook at cash na para sa kanilang magkakapatid.

Magkapatid, magkasunod na inulila ng tatay at nanay nila ngayong taon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon pa kay Tim, hindi niya nakita ang kanilang inang bumili ng para sa pansariling luho niya at hindi nila alam na may ipon pala itong pera.

Kahit sa kabilang buhay ay naramdaman nilang magkakapatid kung gaano sila kamahal ng kanilang mama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Tunay ngang dakila ang pagmamahal ng isang ina. Maaring iba-iba ang pamamaraan upang maipadama ngunit sa hindi maipagkakailang isa ito sa maituturing na pinakadakilang pag-ibig.

Kamakailan, marami ang naantig sa paghingi ng tulong ng isang ina matapos baklasin ng kanilang landlord ang bubong ng kanilang inuupahang bahay.

Sa kabila nito, mayroon pa ring mga anak na kayang pabayaan ang kanilang ina kagaya na lamang sa nangyari sa isang matanda na natagpuang inabandona ng anak sa ilalim ng lababo.

Mag-lola at iba pang miyembro ng pamilya, nagpositibo sa COVID-19

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel