Anak ng guro, dinipensahan ang mga kaguruan sa "punitin ang module challenge"

Anak ng guro, dinipensahan ang mga kaguruan sa "punitin ang module challenge"

- Viral ang post ng anak ng isang guro na nagpapakita ng gawain ng kanyang ina ngayong nalalapit na ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan

- Ito ay upang ipakita sa mga estudyante ang mga sakripisyo ng mga guro na tulad ng kanyang ina lalo na at nauuso ang "punitin ang module challenge"

- Ang challenge na ito ay pagpapakita raw ng pagsuporta sa academic freeze o ang pagpapatigil na lamang ng klase sa panuruang taong ito

- Kaya naman ipinakita ng anak ang pagmamalasakit ng ina sa kanyang mga estudyante makapagbigay lamang ng modules para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak ng guro, dinipensahan ang ina sa "punitin ang module challenge" ng mga estudyante

Aurora Arellano ( Photo form Christine Delmonte Arellano's Facebook)
Source: Facebook

Umalma ang isang anak ng guro sa trending na "punitin ang module challenge" at ipinakita ang hirap at sakripisyo ng kanyang ina.

Nalaman ng KAMI na ang nasabing challenge ay bilang pagsuporta sa "academic freeze" na sigaw ng ilan upang ipatigil ang klase sa panuruang taong ito.

Batang lansangan na nanonood ng cartoons sa wifi kiosk sa Maynila, umantig sa puso ng netizens

Sa post ni Christine Delmonte Arellano, makikita ang kanyang ina na si Aurora Arellano na matiyagang tinatapos ang mga learning modules para sa kanyang mga estudyante.

Flashlight pa umano ang gamit ng guro sa paggawa ng learning modules dahil gabi na at ayaw na niyang maistorbo pa ang pagpapahinga ng kanyang pamilya.

"Mama, is a Teacher and was literally born 60 BBC (born before computer), she doesn't even know how to turn the computer on, dahil sa more than 30 years niyang pagtuturo ngayon niya lang to naranasan. Pero yung dedikasyon at pagmamahal niya sa trabaho at mga studyante ang nagiging dahilan niya to try harder," bahagi ng post ni Christine.

Dahil dito, sana raw naisip ng mga sumuporta at sumusuporta sa challenge ang hirap na dinaranas ng mga guro lalo na ang mga tulad ng kanyang ina na nagsisikap makipagsabayan sa makabagong panahon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

"To some learners who support the challenge, kung naiisip niyo na mahirap na to para sainyo what more sa mga katulad ni Mama?" hinaing ni Christine.

Mula umaga hanggang sa makunan na nga niya ng larawan ang kanyang ina sa gabi ay wala itong iniintindi kundi ang masinop na gawin ang mga modules para sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Sana raw ay magbigay ng kaunting respeto ang mga sumuporta sa challenge sa mga guro na tulad ng kanyang ina na hindi matatawaran ang paghihirap makapaghatid pa rin ng kalidad na edukasyon sa kabila ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang ang ilang pribadong paaralan at unibersidad ay nagsisimula na ang online classes, Oktubre 5 pa ang itinakda ng Department of Education sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan.

Pwersahang pagkuha sa isang babae sa kanilang bahay, sapul sa CCTV

Isang napakalaking hamon nito sa mga public schools gayung hindi lahat ng kanilang mga mag-aaral ay may kakayahang magkaroon ng internet at gadget para sa online classes.

Kaya naman, isang opsyon ang pagkakaroon ng learning modules na siyang ginagawa ng ina ni Christine para sa mga mag-aaral niyang kapos sa kagamitan para makasabay sa online class.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel