Fresh start! Tim Sawyer, nag-post ng larawan nila ni China Roces

Fresh start! Tim Sawyer, nag-post ng larawan nila ni China Roces

- Matapos ang ilang linggong naging laman ng balita ang matinding away ng couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, tila nagkaayos na muli ang dalawa

- Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Tim ang larawan nilang dalawa ni China na may caption na "fresh skin for our fresh start"

- Masaya naman ang mga fans ng dalawa sa muling pagsasama ng dalawa bagamat hindi pa malinaw kung nagkabalikan na ba sila

- Matatandaang naging kontrobersyal ang dalawa matapos masaksihan ng publiko ang gulo sa pagitan nila na umano'y nag-ugat sa pera

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang ilang linggong naging laman ng balita ang matinding away ng couple vlogger na sina Tim Sawyer at China Roces, tila nagkaayos na muli ang dalawa.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Tim ang larawan nilang dalawa ni China na may caption na "fresh skin for our fresh start".

Mister na nabuntis si kabit, dumepensa; Misis, may "daddy" naman daw
Fresh start! Tim Sawyer, nag-post ng larawan nila ni China Roces

Photo from China Roces Facebook page
Source: Facebook

Bagamat hindi pa nga malinaw kung ano ang "real score" nila ay masaya naman ang kanilang mga fans na makita ang dalawa na magkasama.

Matatandaang naging kontrobersyal ang dalawa matapos masaksihan ng publiko ang gulo sa pagitan nila na umano'y nag-ugat sa pera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon kay China, nadiskubre niya na nagtatago ng pera sa kanya ang ka-partner na kinita raw nila mula sa kanilang mga vlogs.

Naging isyu rin ang diumano'y patagong pagbili ni Tim ng sasakyan at bahay na lahat ay lingid sa kaalaman ni China.

Dahil din sa kontrobersiyang ito ay naungkat ang tungkol sa anak ni Tim sa Mindanao matapos lumutang ang dati niyang kinakasama.

Dalawang beses ding naireklamo si Tim sa programa ng batikang mamamahayag na si Raffy Tulfo dahil dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Anak, inirereklamo ang ama na ginawang kabit ang kanyang misis

Kilala ang couple na sina Tim at China sa kanilang mga videos na ang karaniwang content ay tungkol sa mga magkasintahan o mag-asawa.

Isang vlogger-model din ang nadawit sa gulo ng dalawa ngunit mariin itong itinanggi ng dalaga.

Kamakailan lang nang mag-post si Tim ng larawan nila ni China kasama ang anak nilang si Timothy nang magdiwang ng ika-anim na buwan nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel